Makalipas ang labing anim taon…
Dahil sa kagandahang taglay ni Naneth madaming mga lalaki ang nagagandahan sa kanya pati nasa paaralan, sa susunod na buwan ay gagraduate na siya. Habang nag aaral naman sa Manila si Lira ang pinsan niya sa kolehiyo.
“Tita, andito na po ako. Madami akong benta nang balot ngayon,” masayang sabi ni Naneth.
“Oh! Ganoon ba, mabuti naman. Halika na kumain na tayo.”
“Sige po, nasaan po ba si Tito?”
“Baka pauwi na iyon, mauna nalang tayong kumain.” Sagot ng Tita Lora niya.
Habang kumakain na sila, dumating ang asawa ni Lora. Lasing na lasing ito, nagsisigaw na nabubulabog ang mga kapitbahay nila.
“Oh! Kumakain na pala kayo, bakit hindi ninyo ako hinantay ah!” tumaas ang boses ni Deme.
“Hindi naman sa ganoon, akala kasi namin hindi ka pa uuwi kaya nauna na kaming kumain.” Sagot ni Lora sa asawa niya.
Hinampas ng kamay niya ang mesa kaya tumilapon ang ibang ulam nila. Nagulat naman sina Lora at Naneth.
“Dapat ay inantay ninyo ako. Hindi kayo puwede kumain kung wala ako. Ikaw Naneth, kumuha ka nang pinggan para sa akin.”
“Opo, Tito!” nanginginig sa takot si Naneth.
“Huwag mo naman sigawan ang bata,”
“Gagawin ko ang gusto kung gawin kaya tumahimik ka na diyan,” galit na sabi ni Deme.
“Ito na po ang pinggan Tito,” nang ibigay na ni Naneth ang pinggan sinadya naman ng kanyang tiyuhin na hindi hawakan nang mabuti ang pinggan kaya nahulog ito at nabasag.
“Putcha naman oh! Tumingin ka kasi habang inaabot mo ang pinggan,” Tumayo ang tiyuhin niya at sinampal siya.
“Deme, tama na iyan huwag mong saktan ang bata. Hindi niya sinasadya iyon, hindi mo kasi hinahawakan ng mabuti kaya nahulog.” Depensa ni Lora sa pamangkin niya.
“Pinagsasabihan mo ba ako sa dapat kung gawin ha!” sinampal naman ni Deme si Lora.
“Tito, tama na po.”
“Huwag kang makialam dito. Babalikan kita,” dinala ni Deme ang asawa niya sa kwarto para saktan ito. Umiyak na lamang si Naneth sa sulok hanggang sa lumabas ang tiyuhin niya.
Matalas ang tingin nito sa kanya. Nilapitan siya at dinala siya sa kwarto niya. Tinanggal ni Deme ang tshirt na suot niya at ang pantalon nito.
“Tito, ano po ang gagawin ninyo sa akin? Huwag po kayong lalapit.” Nanginging sa takot si Naneth, naisip niyang may masamang gagawinsia kanya ng tiyuhin niya.
“Shhh..tumahimik ka para hindi ka marinig nang Tita mo. Basta susunod ka lang sa gusto ko wala tayong magiging problema.”
“Pero Tito, huwag po! Lasing lang po kayo. Parang niyo na po Tito, huwag po…”
Sinuntok nang tito niya ang kanyang sikmura kaya nakadama siya nang panghihina, naiyak na lamang siya at hindi na siya nakagalaw dahil hinawakan nang tito niya ang kanyang dalawang kamay.
“Tama na po Tito, huwag po…” iyon ang huling salita na lumabasa sa bibig ni Naneth, nawalan siya nang malay. At doon na nagpatuloy ang kawalang hiyaan ng kanyang tito.
~~~
“Hello Pa, magandang umaga! Kumusta na kayo diyan sa probinsiya kailan po kayo babalik dito sa Manila, next month na kasi ang graduation namin. Hindi ka ba dadalo?”
“Hello anak, okay lang naman ako. May inaasikaso lang ako saglit dito pero babalik na din ako diyan. Siyempre naman mawawala ba ako sa graduation mo. Proud ako sa iyo anak. Ah! Siyanga pala plano ko na papuntahin kita sa America para doon mag aral ng kolehiyo.” Ang sabi ng kanyang ama.
“Ahm! Pa, puwede naman dito nalang sa Pilipinas ko ipagpatuloy ang aking kolehiyo.” Sagot ng lalaki.
“Hindi anak, alam mo naman na gusto kung mapabuti ang kinabukasan mo. Kaya para nalang sa kahilingan ko, pumayag ka na please anak.” Nagmamakaawa ang kanyang ama.
“Okay po Pa, malakas ka sa akin eh! Kaya hindi ako maka hindi sa iyo.” Nakangiti na nagsalita ang anak niya na nasa kabilang linya.
“Excuse me po, sir Roel. Magsisimula na po ang meeting ninyo sa mga client.” Sabi ng staff niya.
“Okay, papunta na ako,” nagpaalam na rin si Roel sa anak niya. “Sige anak, tawag nalang ako uli sa iyo. Mag-ingat ka diyan anak see you soon. Bye!”
“Okay po Pa, ingat din po kayo.” Sagot ng anak niya.
Si Roel ay dating mahirap ngunit sa pagsusumikap niya naging matagumpay siya at nagkaroon siya nang sarili niyang kompanya. Nagiging inspirasyon niya ang kanyang nag iisang anak.
~~~
Humagolhol sa iyak si Naneth, hindi niya akalain na magagawa iyon ng kanyang tito na pagsamantalahan siya. Natrauma siya kaya napansin iyon nang kanyang tiyahin.
“Naneth, napapansin kung ilang araw ka nang tulala. May problema ka ba? Puwede mo naman sabihin sa akin.” Pag alalang sabi ng kanyang tita.
“Ah! Okay lang po ako Tita, alis na po ako papunta sa school,” sagot ni Naneth.
“Okay, sige mag iingat ka. Huwag ka nang magtinda nang balot mamaya kasi napapansin kung wala ka sa sarili mo.”
“Okay lang po Tita, para may panggastos po ako para sa graduation ko next month.”
“Ikaw bahala, basta mag ingat ka sa pagtitinda mo. Madami pa naman mga loko-loko sa daan.” Paalala ni Lora sa kanyang pamangkin.
Kinagabihan, habang nagtitinda si Naneth nang balot may isang sasakyan na huminto sa harap niya.
“Iha! Pabili nga nang tinda na balot mo. Ilang piraso nalang ba iyan?” tanong ng isang may edad na lalaki.
“Sampu na lamang po ang natira. Bakit po bibilhin niyo po ba lahat?” sagot ni Naneth.
“Kung puwede sana, magkanu ba lahat?”
“Bali one hundres sixty lang po. Salamat po kuya, para po makauwi na ako sa amin.” Nakangiting sabi ni Naneth.
“Sige, bilhin ko na lahat. Siya nga pala, anong pangalan mo? Parang bata ka pa ata ah! Nagtitinda ka na dito sa kalye, nasaan ba ang mga magulang mo?” tanong nang lalaki.
“Ah! Okay lang po, nasa sampung taon pa lamang ako sanay na akong magbenta dito sa kalye ng balot mahigit anim na taon ko na po itong ginagawa. Ako nga po pala si Naneth, labing anim na taong gulang po.” Masayang kwento niya sa lalaki.
“Oh! Ang gandang pangalan. Magpakilala na rin ako sa iyo. Ako si Roel, hayaan mo palagi na akong bibili nang balot sa iyo para hindi ka masyadong magabihan sa daan. Ikaw lang bang mag isa uuwi?”
“Opo, ako lang po mag isa. Maraming salamat po sa pagbili ninyo nang mga balot ko kasi makakauwi na ako nang maaga.” Sabi ni Naneth.
“Ihatid na kita, baka may masamang mangyari sa iyo sa daan.”
“Okay lang po ba? Pero sa may kanto lang po ninyo ako ihinto ako na po ang papasok sa may looban.” Sagot ni Naneth.
“Okay! Kung iyan ang gusto mo. Tara na!”
~~~
Dumating ang na ang graduation nila Naneth, masaya ang kanyang tita dahil nakagraduate na ang pamangkin niya kahit nahihirapan siya sa pang-araw-araw nila. Proud si Lora sa kanyang pamangkin, naalala niya iyong gumraduate ang anak niya sa haiskul na ai Lira.
“Masaya ako, nakapagtapos ka na nang pag aaral Naneth. Ngunit hindi ko maipapangako na mapag-aral kita sa kolehiyo kasi mahihirapan ako dahil nag aaral pa si Lira.” Malungkot na sabi ni Lora.
“Okay lang po iyan tita, naiintindihan ko po ang sitwasyon ninyo,”
“Salamat Naneth, alam kung darating ang araw na magiging successful ka, panatilihin mo lang ang pagiging mapagkumbaba mo at pagsusumikap para maabot mo ang iyong pangarap.” Sabi ni Lora.
“Opo tita, hindi ko po kayo kakalimutan kasi kung hindi niyo po ako inalagaan ng husto baka po wala na ako ngayon. Nasaan na po kaya ang mga magulang ko? Minsan po naalala ko po sila. Namimiss ko din po sila, sana darating ang araw na makita ko din ang mga magulang ko para maitanong ko sa kanila, bakit nila ako iniwan!” malungkot na sabi ni Naneth na namumula ang mata, ngunit pinipigilan lamang niya ang kanyang luha dahil ayaw niyang malungkot din ang kanyang tita.
~~~
Lumipas ang mga araw…
Dahil sa pagkalulong ni Deme sa masamang bisyo lalo na sa druga ay naging disperado na siya, sinabi niya sa kanyang kasama na kung puwede may ibebenta siya na bata para magtrabaho bilang katulong kapalit ng pera para makabili siya ng druga.
“Bro, may nakontak ka na bang buyer para sa pamangkin ko?” sabi ni Deme.
“Bro, sigurado ka na ba sa gagawin mo. Baka makulong tayo pag nahuli tayo ng mga pulis.” Tanong ng kaibigan niya na gumagamit din gaya niya.
“Oo, ako na ang bahala. Basta hanapan mo ako, aantayin ko ang tawag mo hanggang bukas.”
“Sige bro, e update kita bukas.”
Walang kamalay-malay si Naneth, habang papauwi siya galing sa pagtitinda nang balot. May dumukot sa kanya na nakasakay sa isang itim na sasakyan. Pinalanghap siya, ng pagpawala ng malay. Namulat na lamang siya nang nasa malaking bahay na siya.
Ano ang gagawin ni Naneth nang makita niya na nasa ibang bahay na siya?