Chanel Morissette's POV Nakapag-empake na kami ni Zenaia. Pinaiwan ko muna sa kanya ang mga used clothes niya at ipasusuyo ko na lang din sa tagalaba namin. May extra new clothes naman ako at iyon ang ibinigay ko sa kanya para sa araw na kukulangin ang dala niya. Excited na ako sa flight namin para surpresahin si Rinniel. Bumili pa ako ng simpleng regalo para sa kanya. Kinabukasan ay maaga kaming ginising ni Charlie. Alas kwatro nang umaga ang byahe namin para hindi ma-late. Pagdating din namin sa ibang bansa ay sakto raw na nasa shooting na si Rinniel at makakapaghanda pa kami ng surpresa. Naalala ko tuloy ang kaarawan ni Rinniel. Hindi kami naabutan ng kanyang mga magulang. Nakaya ko naman umuwi nang mag-isa at nagpanggap kami na parang walang nangyari at hindi talaga nag-celebrate

