Third Person's POV Agad na humiwalay sa yakap si Rinniel nang mapansin niyang pabalik na si Charlie sa pwesto nila. "Wala pa ba sila?" tanong ni Charlie. Napatingin si Rinniel sa kanyang cellphone para tingnan kung may mga mensahe sa kanya ang mga kaibigan niya. Nakita niya na kanina pa pala may mensahe sa kanya. "Malapit na raw sila. Maya-maya ay nariyan na sila. Naghintayan pa kasi sila sa may malapit sa Torreon Academy," sagot ni Rinniel. "Alam na ba nila ang tungkol sa celebration na ito?" tanong ni Chanel kay Rinniel. "Siguro? Hindi ko kasi sinabi sa kanila kung para saan ito. Nakikita naman agad nila ang balita tungkol sa akin," muling sagot ni Rinniel. Nagkatinginan ang isa't isa at hindi maiwasan ni Rinniel na hindi mabighani sa angking ganda ng kanyang katabi. Napansin

