Kabanata 1 -Kambal

1061 Words
Chanel Morissette's POV Nakatingin ako sa may labas habang nakikipag-usap ang aking kambal sa aming mga magulang. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa mana. Gusto nilang si Charlie ang magmana ng kumpanya dahil lalaki ito. Wala silang nababanggit para sa akin. "Mom, lilipat na rin po ako sa Torreon Academy," saad ni Charlie. Nalaman niya na pinayagan ako ni Mom at Dad na umuwi ng bansa at doon na lamang magpatuloy sa pag-aaral. Gusto ko rin sanang bumukod muna dahil hindi ko naman maramdaman ang pagiging anak nila sa akin. "Hindi mo kailangang sundin ang gusto ni Chanel na mag-aral doon, Charlie. Hayaan mo siya sa gusto niya," sambit ni Mom. Napatingin na ako sa kanila. Hindi ko naman sinasama si Charlie sa pag-uwi. Bakit parang kasalanan ko pa? Seryosong tumingin si Charlie kay Mom. Paliwanag niya, "Hindi po dahil kay Chanel kaya ko po gusto na mag-aral doon. Pinakasikat din naman po ang Torreon University sa bansang iyon, Mom. Ako po ang mismong may gusto." Malungkot akong ngumiti sa kaniya. Sobrang bait at maalalahanin si Charlie, hindi niya nagawang ipahamak ako. "Kung gusto niyang mag-aral sa Torreon, pagbigyan mo na ang anak mo, Honey. Minsan lamang iyan mag-request!" ika ni Dad, halatang proud pa kay Charlie. "Fine! Basta pangako mo na uuwi tayo palagi para makadalaw tayo sa mansion natin sa bansang iyon," masayang sabi ni Mom. Nagpaalam na ako sa kanila na babalik na sa aking kwarto. Hindi naman nila ako pinansin kaya umalis agad ako. Tumingin ako sa salamin para makita ang reflection ko. Sino ba namang magiging proud sa akin kung ganito ako manamit at mag-ayos sa sarili? Sadyang ang pagiging matalino ko lamang ang pinagmamalaki ng aking mga magulang. Hindi nga alam ng iba na may kambal si Charlie. Malayo ang itsura namin sa isa't isa dahil talaga namang sobrang gwapo ni Charlie, samantalang ako ay isang nerd na kung manamit at mukhang old-fashioned style na. Pagkatapos ng bakasyon ay bumalik na kami ng bansa. Nag-asikaso na rin kami ni Charlie ng mga papeles para sa enrollment. Mabilis kaming natanggap dahil investors na rin sila Mom at Dad sa Torreon University. "Masama pa rin ba ang loob mo sa kanila?" tanong ni Charlie. Huminga ako nang malalim. Sagot ko, "Kahit naman anong gawin ko, hindi rin nila ako papansinin. Para saan pa kung sasama ang loob ko sa kanila? Tanggap ko naman na wala akong pakinabang sa kanila noon pa man." Yumakap siya sa akin. Mabuti na lamang ay ganitong kabait ang aking kambal. Kahit papaano ay may natitirang nagmamalasakit at tumutulong sa akin. Siya lamang ang tanggap ako at handang intindihin sa lahat ng bagay. Hindi ako nagkaroon ng kaibigan sa ibang bansa dahil sa itsura ko. Makalipas ulit ng ilang linggo ay pasukan na. Sobrang excited ako dahil sa wakas ay makikita ko na sa personal ang lalaking iniidolo ko. "Chanel, bilisan mo namang kumilos. Male-late na tayo," sigaw ng aking kambal. "Mauna ka na," utos ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya sa akin. Tanong niya, "Bakit naman? Huwag mong sabihing hindi ka sasabay sa akin? Hindi pwedeng laging late, college na tayo!" "Magco-commute ako, Charlie. Ayokong may nakakakitang magkasama tayo," saad ko. Naranasan ko na ang ma-bully noon. Akala nila ay fan ako ni Charlie at dikit ako nang dikit sa kaniya. Iyon ang iniiwasan ko ngayon, ang maputa sa akin ang atensiyon ng ibang estudyante. "Channel, ano na naman iyan? Ano bang problema mo kung magkasabay tayo?" tanong niya. "Nerd ako at mukhang manang kung manamit. Sinong mag-aakala na kapatid mo ako? Isa kang modelo kaya sikat ka. Baka kuyugin lang ako ng mga supporters. Alam mo naman siguro ang nangyari sa akin noon," paalala ko sa kaniya. Muntik na akong mabugbog dati ng kaniyang ex-girlfriend. Akala ata ay may balak akong agawin si Charlie. Sinabihan ko lamang ang kapatid ko na huwag ipaalam na kambal kami. Ayokong isipin nila na nagparetoke ang aking kapatid. "Bakit kasi hindi ka na lamang mag-ayos? Hindi ka naman ganiyan noon. Isa pa, wala namang mawawala sa iyo kung babaguhin mo ang pananamit at kulurete sa mukha mo. Maganda ka kahit walang lipstick o paglalagay ng eyeline. Sinasadya mo lamang na magmukha kang ganiyan," saad ni Charlie. Sinubukan niya akong hilahin papunta sa sasakyan. Hindi ako pumayag na sumabay sa kaniya kaya wala rin siyang nagawa sa akin. "Doon ka sa kabilang kotse. Magpahatid ka kay Manong. Hindi ka sasabay sa akin kaya hindi ka rin puwedeng mag-drive. Nakuha mo?" sambit niya. Sumang-ayon na lamang ako sa kaniya. Hindi rin naman pala niya ako kayang tiisin. "Remember, Mori ang dapat na itawag mo sa akin sa school," paalala ko sa kaniya. "Fine, Mori. If that's what you want," sagot niya. Sumakay ako sa aking kotse dahil inabangan na ako ng aming driver. Si Charlie na ang nagmamaneho ng kotse niya. May license naman kaming dalawa at nasa tamang edad na rin. Bago kami tuluyang makalabas ng gate ay nakita ko pa na masayang nagpapaalam si Mom kay Charlie. Mapakla akong ngumiti. Nagtataka ako kung bakit ganoon ang treatment nila sa akin. Para akong hangin lamang sa kanilang paningin. Bata pa lamang ako ay hindi na nila ako tinrato kung paano ang trato nila sa aking kambal. "Manong dito na lamang po sa kanto," ika ko. "Ma'am ilang meters pa po patungo sa Torreon University. Maglalakad pa pi kayo," saad ni Manong. "Ayos lang po. Exercise sa umaga," palusot ko. Itinigil na niya ang sasakyan kaya agad akong nagpaalam at bumaba. Inayos ko ang mahaba kong palda. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi nila na mukha akong manang kung manamit. Masaya pa rin ako na kahit ganito ako, narito pa rin ako sa harap ng Torreon University. Pangarap ko talaga noon pa man na makapasok sa isang sikat na paaralan. Isa pa, anak ng may-ari nito ang artista na gustong-gusto kong makita. Sinadya ko pa na makabalik dito para makita siya nang personal. Mabuti na lamang ay nabigyan ako ng kakaibang katalinuhan. Tanggap agad at binigyan pa nila ako ng scholarship sa sobrang taas ng aking grado. Ganoon din naman si Charlie, pero hindi na niya iyon tinanggap pa. Nakaramdam ako na sa susunod na mga taon ay hindi na ako susuportahan sa pag-aaral ng aking mga magulang kapag nalaman nila na iba ang kurdo na aking kinuha. Patutunayan ko sa kanila na kaya kong maging independent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD