Inagahan ko ang pagpasok ko. Hindi ko na iniisip ang pagsilay kay Rinniel ngayong umaga, makikita ko naman siya mamayang hapon. Hindi ko sinasadyang makita si Kio at Zenaia na nag-uusap. Hinayaan ko na lang sila at hindi naman ako kilala ni Kio para batiin silang dalawa. Magkikita naman din kami sa klase ni Zenaia. Nagulat lang ako na magkakilala pala silang dalawa. "Mori! Halika rito! May ipakikilala ako sa iyo," tawag ni Zenaia. Lalagpasan ko na sana sila nang bigla akong tawagin ni Zenaia. Wala akong choice kung hindi ang lumapit sa kanila. Parang sobrang saya ng reaksyon ni Zenaia. Mayroon bang something sa kanilang dalawa? "Kio, siya nga pala si Mori. Mori, siya si Kio, iyong sinasabi ko na magaling sa judo," pagpapakilala ni Zenaia kay Kio. Kung alam lang niya na si Kio ang in

