Sobrang lungkot ko dahil ang kamag-anak ni Rinniel na tinuturuan ko ay nangibang bansa na. Wala na tuloy akong ibang dahilan para makapunta sa kanila. Weekend ngayon kaya nakatambay lang ako sa bahay maghapon. Nakaharap lang ako sa aking laptop at inaaral ang paggamit ng mga iba't ibang websites na pinapatingnan ng professor. "Chanel, darating daw si Sir Charlie mamaya na may kasamang kaibigan," saad ng Manang na laging nag-aalaga sa amin ni Charlie mula bata pa. "Sinabi po ba kung anong oras?" tanong ko. "Hindi e. Basta sinabi niya lang sa tawag kanina. Baka gabihin dahil may activity raw silang ginawa," saad ni Manang. "Maya-maya ay magbihis ka na o kaya naman ay sa kwarto ka na muna kung ayaw mong may nakakakita sa iyo." "Sige po, Nangnang. Pagkatapos ko pong mag-aral ay papanhik

