2 [Part 1] | It Started With A Hate

2068 Words
"FINANCE IS the way a large amount of money is used and handled by someone from the government or company," Chaunce's professor lectured in front of them. He wasn't listening, instead he is just looking at nowhere, thinking about things he is thinking. These past few days, Chaunce is not on his own mind, thinking about what Blake did to him. For him, kissing is a sacred thing that only married couples can do. No doubt that he was raised by a well-mannered and God-fearing family. I am very pissed. Why did he have to do that? Just to make me think one more time? I'm not gay, you f*****g asshole. He tried his very best to not remember what happened but his renting partner's last statement can't get out of his mind, haunting him every night and day. "Stop!" Everyone in the classroom turned their gaze to Chaunce who screamed the word. "Mr. Yap, why are you shouting in my class?" the professor asked while his brows are raisef. When Chaunce was called by his professor, that is the time he went back to reality. He has just realized what he did. Chaunce stood up and talked to his professor. "I'm sorry ma'am, I didn't mean to shout po." "What's boggling your mind, Mr. Yap?" the professor asked. "If your mind is not in my lecture, feel free to leave." "It's not that ma'am, I..." He thought of a possible alibi. "I just want to tell Kirk to stop talking with me." Tinignan siya ni Kirk na nasa harap niya na wala namang ginagawa. Agad nagsalita si Kirk ng mahinahon, 'yung tipong si Chaunce lang ang nakakarinig. "Hey, anong kinakausap kita diyan? Tulala ka kanina kaya hindi kita kinakausap tapos dadamayin mo pa ako." "Just bear with me this time Kirk, please?" Kirk rolled his eyes and turned his gaze to the professor. "Just this time..." Kirk rolled his eyes before smiling and looking to the professor. "I'm sorry ma'am, I just asked him if he has done an assignment sa isang subject." "This is my time so why are you asking him if he has an assignment on other subject Mr. Ocampo?" "Next subject na po kasi ma'am. I'm really sorry for the inconvenience." "Next time, do your assignment on time Mr. Ocampo and you Mr. Yap, do not repeat what you just did today, okay?" He and Kirk nodded. The professor continued her lecture while Chaunce remained out of awareness. Kanina pa ito tulala, tila may malalim na iniisip. Shit, bakit ba kasi ako hinalikan ng tarantadong 'yon? It's been a couple of days since that kissing incident happened. Couple of days since that happened but Chaunce can't get over with that. That asshole just stole my first kiss. The bell then rang and the professor left their classroom. Tulala pa rin si Chaunce. His friends noticed how lutang he is this day so they tried to approach Chaunce. "Hoy Chaunce," pagtawag ni Kirk. "Dinamay mo pa ako sa kalokohan mo kanina, buti nalang sumakay si ma'am sa alibi ko." "Ano ba kasing nasa isip mo ha?" tanong ni Nickole na isa pa niyang kaibigan. "Kanina ka pa lutang, alam mo ba?" Chaunce remained silent, tila hindi niya narinig ang mga inusal ng kaibigan. Nickole prepared her fingers and knocked Chaunce in his forehead as hard as she can. "What did you just do, Nickole?" Hinawakan ni Chaunce ang kaniyang noo at hinimas-himas ito. "Alam mo bang ang sakit?" "Oo, sinadya kong lakasan 'yung pektos ko para magising ka naman. Kanina ka pa tulala, napagalitan ka na't lahat at lutang ka pa rin. Ano ba kasing nangyari?" "Nothing. Don't mind me." "Wanna go for snacks?" Hiro, their another friend asked. "Gutom na ako." "You know what Hiro, sa liit mong 'yan, sa'n mo nilalagay ang mga kinakain mo?" intriga ni Nickole. "Wala ka nang pake do'n Nickole, ikaw nga ang konti ng kinakain pero ang taba-taba pa rin." Nanlaki ang mata ni Nickole na inusal ni Hiro. "How dare you call me fat when in fact I am too sexy?" "Sexy? Saan?" Hiro mocked Nickole. Nanlisik ang mata ni Nickole at akmang pepektusan si Hiro nang makaiwas ito. "Dang you two, akala ko ba gutom na kayo, e ba't nag-aaway pa kayong parang aso't pusa?" saway ni Kirk sa dalawa. "Alam niyo gan'yan din nagsimula ang lolo't lola ko. Malay ninyo kayo din magkatuluyan." "Okay po, master genius," panunukso ni Nickole. Napagpasiyahan niyang tawaging gano'n si Kirk dahil masyado daw maraming nalalaman si Kirk na aniya rin ay dapat nang ipatumba. "Pero itong si Hiro..." Nickole looked at Hiro. "Hindi ko 'to type. Never ko 'tong magugustuhan." Napa-angat ang kilay ni Kirk. "As if naman type kita. Kilabutan ka nga." Hindi nakapagtimpi si Kirk at binatukan ang dalawa. "Kasasabi ko lang na tumigil kayo tapos nag-aaway ulit kayo," aniya pa sa dalawang nanunukso. "Kailan ba kayo titigil?" Nadako ang tingin ng tatlo kay Chaunce na nanatiling tahimik at tulala. "Hoy," pagtawag ni Kirk dito. Nabalik sa ulirat si Chaunce at agad na tumango. "Ayos lang ako, tara na anong next subject?" "Ayos ka lang talaga?" "Oo nga, ang kulit Nickole." "Recess ang next subject Chaunce." Nanatiling nakatingin sa kaniya si Nickole. "Sana ayos ka lang talaga." Natawa ang tatlo sa inakto ni Chaunce bago inaladkad nila ito palabas patungo sa cafeteria. Nakapag-order na silang lahat at masayang kinakain ang mga nasa hapag maliban kay Chaunce na pinaiikot-ikot lang sa tinidor ang spaghetti. "Hoy Chaunce," tawag ni Hiro. "Hmm?" "Ayaw mo bang kainin 'yang spaghetti mo?" tanong ni Hiro. "Akin nalang, sayang." Tinignan ni Chaunce ang isang platito ng spaghetti na nasa harap niya bago ibinigay kay Hiro. Agad namang ulit nag-diskusyon sina Hiro at Nickole na para bang aso't pusa. Tulala lang ulit si Chaunce at walang imik. Why am I even thinking about that incident? 'Yung paghalik ni Blake sa kaniya ang tanging umiikot sa isip niya nitong mga nakaraang araw. "Hey dude," Kirk called. "Seryoso, ayos ka lang ba talaga?" "Hmm," aniya at tumango-tango pa. "Ano bang sumasagi sa isip mo at parang kanina ka pa binabagabag?" tanong ni Kirk bago mag-slice ng cake at kumain. "May problema ba sa family affairs ninyo?" "Nah," sagot niya. "May tanong Kirk." "Yes?" sagot ni Kirk habang busy sa pag-scoop ng cake. "If you kissed a boy, does that make you a gay?" napatingin ng diretso si Kirk kay Chaunce bago nasamid. "Why did you even ask, Chaunce?" tanong ni Kirk habang umiinom ng tubig. Hiro and Nickole then turned their gaze to Chaunce who just asked Kirk. "Bakit Chaunce? May hinalikan ka bang lalaki last night?" panunukso ni Nickole. Nanlaki ang mata ni Chaunce at umiling. "No way." "Weh?" tanong na may halong panunukso ni Hiro. "E bakit mo nga naitanong?" "Sino humalik sa 'yo Chaunce, 'yung renting partner mo ba?" tanong ulit ni Nickole. Inilagay niya ang mga palad sa nukha niyang namumula at sumigaw-sigaw pa. "Oh my gee, my fujoshi heart!" "Hindi nga sabi." "Sino nga ba 'yung boyfriend—este renting partner mo Chaunce? Pakilala mo naman sa amin." Even thinking of his name makes my blood boil. "Hindi nga kasi, I just watched it somewhere else." "Weh?" "Totoo nga." "My fujoshi heart is broke," ma-dramang wika ni Nickole. "Ewan ko sa inyo," nakangiti habang napapailing na wika ni Chaunce. Dahil sa kulit ng tatlo, bahagya siyang napangiti. "Huwag ninyo nang sagutin 'yung tanong ko, mukhang wala namang interesadong sumagot." "Master genius, wala ka bang scientific explanation do'n sa tanong niya?" malokong tanong ni Hiro kay Kirk at agad naman siyang binatukan ng huli. Kirk turned his gaze to Chaunce. "Do you really want me to answer your question?" "Huwag na. Baka dumugo pa ilong namin sa explanation mo," sagot ni Chauncr habang bahagyang natatawa. "Isa ka rin e, gustong-gusto talaga ninyo akong pagtrip-an e." "Sana all gusto," sabat ni Nickole na napapunas pa ng imaginary tears niya. "Tigilan mo nga ako ng hugot mo Nickole," ani Kirk kay Nickole na tinapunan siya ng mapamatay na tingin. "Hayaan mo na Kirk, wala naman kasi talagang nagkakagusto diyan e," natatawang tukso ni Hiro. Nickole turned her gaze to Hiro whose sitting beside her and darted the latter with a glare. "Gusto mong ipamukha ko sa 'yo 'yung listahan ng mga manliligaw ko na ni-busted ko ha?" "Matapang ka siguro, sige nga," panghahamon ni Hiro kay Nickole samantalang kumuha si Nickole ng papel at sinulat doon ang mga pangalan ng lalaki at tomboy. "Mga siraulo," mahinang usal ni Chaunce sa dalawa. Sa hindi malayong lugar, narinig ng apat ang mga babaeng nagsisitilian. "Oh my God! Ngayon pala ang basketball tryout ng varsity ng school natin!" Napatayo sa kinauupuan si Nickole at pinuntahan ang mga babaeng sabay-sabay na napapatalon at nagtitilian. "Seryoso? Ngayon ang tryout?" "Oo, may mga magta-tryout daw na mga freshman, tapos ang hot nila." "Oh my God! So pa'no 'yan, see you nalang sa gymnasium girls," wika ni Nickole sa mga babae bago bumalik sa kinauupuan. "Guys, samahan ninyo ako, please!" pagmamakaawa niya sa tatlong lalaking nasa harap niya. "Nope," Chaunce said. "Ano namang gagawin namin do'n sa court? Maghanap ng pogi?" "If you wanted to, e 'di maghanap ka ng pogi," balik ni Nickole. "Pero 'di ba may hinalikan ka na, be loyal naman, besh." "Ba't pa kayo maghahanap ng pogi kung mayro'n namang pogi sa harap ninyo?" pabirong wika ni Hiro sabay strike ng hunk pose. "Nerbyusin ka nga Hiro, kailan ka pa naging pogi?" "Ikaw Nickole ha, hindi ko mabalitaan na magkagusto ka sa akin dahil auto-busted ka sa 'kin, 'ta mo." "Never ever ever ever," Nickole replied. "So kayong dalawa, Kirk and Chaunce, please samahan ninyo ako." "Hindi mo ba ako nakikita Nickole? Pwede kitang samahan," nakatanggap lamang ng batok mula kay Nickole si Hiro. "As much as I want to, gusto sana kita samahan, Nickole pero I need to study, may quiz sa next subject natin 'di ba?" Kirk replied. "Kirk, mamayang hapon pa 'yun, ang aga pa oh," Nickole argued. "Kahit na Nickole, I must study hard para hindi mawala sa 'kin ang scholarship ko," Kirk replied. "Samahan kita next time Nickole." "Promise 'yan, master genius ha?" "Promise," Kirk replied as they intertwined their pinky fingers. "Buti pa 'to si Kirk, ang talino na't ang pogi na, ang bait pa, alam mo kung pwede ka lang mag-jowa master genius, ready ako mag-volunteer," ani Nickole na nagpatawa kay Kirk. "Hindi tulad ng iba diyan, hindi na nga kapogian, ang panget pa ng ugali." Napa-angat ng kilay si Hiro. "Buti nalang hindi ako iba sa 'yo," banat pa ni Hiro na naging sanhi para tuksuin silang dalawa nina Chaunce at Kirk. "Tigil-tigilan mo nga ako sa mga banat mong wala namang talab sa 'kin Hiro," nahihiyang ani Nickole. "Wala daw talab pero namula kanina, aminin mo crush mo 'ko noh?" "Oo," sagot ni Nickole. "Oo, crush. Gusto kong i-crush 'yang makapal mong pagmumukha, halika na nga, pumunta na tayo, baka mahanap ko na ang forever ko do'n sa gym." Agad na kinaladkad ni Nickole si Hiro papalabas ng cafeteria, ni hindi man lang nakapagpaalam sa dalawa. "Oh Chaunce, hindi ka ba sasama sa dalawa?" tanging tanong ni Kirk na kanina pa natapos sa pagkain. "Samahan nalang kita mag-aral Kirk," aniya habang inaangat-angat ang kilay. "Sumama ka nalang sa kanila dahil alam kong tutulugan mo lang naman ako," sagot ni Kirk na nginisihan lang si Chaunce. "Eh?" Chaunce's brows furrowed. "Hindi ako matutulog ngayon Kirk, promise." "Ilang beses mo na 'yang sinabi pero ano, wala ka pa rin namang tinutupad," natatawang ani Kirk. "You know what, mahirap kasi sa inyong mayayaman, you have many options pero pinipilit ninyong mag-settle sa less." "Ewan ko sa 'yo master genius, 'yan na naman mga words of wisdom mo," umiiling na aniya. "Okay na nga, okay na kaysa naman mapagalitan mo lang, sasama nalang ako sa kanila." He waved his hand to Kirk. "Bye master genius, see you!" "Hoy ang mga kinainan ninyo gago!" napatingin si Kirk sa mga platito na nasa hapag. "Tae talaga 'yung tatlo, pa'no ko 'to bibitbitin?" Chaunce directly went to the gymnasium where he saw Hiro and Nickole waving their hands on him. He directly went to their place. "Akala ko ayaw mo," ani Nickole sa kadarating pa lamang na si Chaunce. "Pinagtabuyan ako ni Kirk e, ayaw daw talaga niyang sumama ako sa kaniya," sagot naman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD