Nakapikit akong tumagilid para kapain ang unan sa tabi ko pero sa halip na malambot na unan ang mahawakan ko ay matigas na alon alon ang nadama ng mga kamay ko. Sa sobrang antok ay hindi ko pinansin iyon. Sa halip ay hinapit ko pa ang nahawakan ko at ang katawan ko mismo ang lumapit doon para mayakap ko iyon nang husto. “Hmmm… I like it, baby.” Parang kiniliti ang puso ko at awtomatikong napangiti. I feel like I was dreaming. Isinubsob ko pa nang husto ang mukha ko and my hands started to caress wherever it leads until I have touched something I think I shouldn’t have touched. Bigla akong napamulat at gano’n na lang ang panlalaki ng mga mata ko na napaunat ng higa when I realized it wasn’t a dream at all. Totoo ang nahawakan ko. A man's private part? “Charlie!!!” Napatili ako at awt

