Inaantok na iminulat ko ang mga mata nang maramdaman ko ang sinag ng araw mula sa bintana. Inilibot ko ang mga mata sa loob ng kwarto at tinitigan ang kabilang bahagi ng kama na hinigaan ko. Walang indikasyon na may umukopa roon. Malamang na sa ibang kwarto iyon natulog. Pagkatapos namin kumain kagabi ay pinagpahinga na niya ako at pumayag na hindi na papuntahin ang doktor na tinawagan nito kagabi. But we agreed to have my check up today. Gusto ko sanang tanungin kung anong plano niya kung mapatunayan na buntis talaga ako pero hindi ko na nagawa nang sabihin niya na pag-uusapan namin ang tungkol doon once na ma-confirm ang pagbubuntis ko. Napahawak ako sa dibdib nang makaramdam na naman ng kirot doon nang maalala ang sinabi niyang iyon. Siguro ay naguguluhan na siya at ngayon pa lang

