Nakaharap ako sa salamin habang nagpapahid ng lipstick sa labi. I pouted it twice at nakangiting inayos ang pagkakapusod ng buhok ko. Sinigurado ko rin na kumportable ako sa suot na jeans and sleeveless blouse na tinernuhan ko ng white rubber shoes. Pupunta kami ngayon nina Mama at Papa sa newly acquired farm nila sa kabilang Barangay. Gusto raw nila na kasama ako sa pakikipag-usap sa landscape architect na magde-design ng bahay bakasyunan namin roon. I invited Charles to come pero may lakad daw ito with his old acquaintances. Halos dalawang linggo na ang nakalipas after Jessica’s wedding at kasalukuyan pa rin silang nasa honeymoon sa Japan. Pagkatapos din ng pag-uusap namin sa sasakyan ng gabing iyon ay hindi na kami muling nag-usap pa ni Nolan. I only saw him once that evening habang

