"Hoy! Kayong mga bata kayo! Ang titigas ng ulo niyo! Hoy! Ibalik niyo 'yang kinuha niyo!" Buti na lang at hindi pa nasisira ang eardrums ko sa kasisigaw niya habang hinahabol ang mga batang holdaper. At hindi ko alam kung bakit nagpapahila lang ako kay Father Josiah at sumasabay sa pagtakbo niya. Bakit kasi bigla akong naisama sa paghabol niya sa mga batang holdaper at pagtulong niya sa matanda? Spentice! Get your act straight! "Fiery priest—!" "What?! Huwag kang magulo, may hinahabol ako!" Sh*t! Ako pa ngayon ang huwag magulo, eh siya nga 'tong dinamay-damay ako rito! I don't have any intention to help catch those freaking holdapers! But HE just grabbed my hands, put me into this, and without letting my hands go! "Let go, you as*hole! Let go of my hand!" "Stop! Nag-fo-fo

