Napahawi ako ng buhok ko paitaas sa inis habang inililigpit ang bangkay ng taong pumatay kay Father Jacob. F*ck. Kahit maliit at hindi masyadong kilala ang grupo ng Nassoni Mafia ay may galawan pa ring silang pang-mafia. Low key but trained. "Spent. Pa'no na? Back to zero ka na ba ulit?" Back to zero? Naikwento ko nga pala kay Tristan kahapon ang mga plano ko sa paghahanap sa taong nag-utos na patayin si Father Jacob. Umiling ako sa tanong niya. Hindi ako back to zero dahil may lead na ako kung sino ang nasa likod ng lahat. The Nassoni Mafia. "'Di nga? May back-up plan ka ba d'yan?" I crossed my arms and raised one eyebrow to Tristan. "Tingin mo sa 'kin hindi handa? Mautak 'to, mas mautak pa sa 'yo." Sumibangot siya sa naging sagot ko. "Yes or No lang ang isasagot, ka

