Napatingin ako sa loob ng simbahan nang magsipalakpakan ang mga tao sa loob. Natapos na naman ang pang-umagang misa. I sighed. Sa wakas, makakausap ko na ulit si Father Jacob. Pero hindi tungkol sa mga ginto ang pakay ko sa kanya ngayon. Manghihingi lang ako ng tulong sa paghahanap ng matutuluyan ko na mapagkakatiwalaan ko. I'm not staying on a hotel anymore. My life is always close to danger in there. Well, lagi namang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko simula pa pagkabata kaya sanay na ako. Pero ibang usapan na kapag kasali ang mga ginto. I need to hide them kaya as much as possible ay hindi rin matunton ng mga kalaban kung nasaan ako. Kung nasaan ako nando'n din nakatago dapat ang mga ginto. At isa pa, tuwing may magtatangka sa buhay ko, nadadamay ang hotel na pinagtutuluy

