CHAPTER 1

2929 Words
|MARY GRACE'S POV| "Kuya pakibilisan namaannnn!" Alas syete na ng umaga at masyado na akong late sa klase. Idagdag pa na sobrang bagal ng takbo ng tricycle na kinasasakyan ko. Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga pasahero pero wala na akong pakialam. Ayaw kong malate lalo pa at yung professor namin sa umagang ito ay malakas ang topak at talagang sinasarado ang pinto ng classroom para ngumawa ang mga late. "Sige neng." Dahil sa pagreklamo ko ay mas lalong binagalan ni manong driver ang takbo. Wala sa sarili akong napadasal at humingi agad ng tawad sa Diyos dahil namura ko si Kuya. "Ano ba yan! May sira yata ang driver!" Pagpaparinig ko pa. "Ay yung sasakyan pala may sira. Sorry sadya." Rinig kong may humagikhik na pasahero kaya mas lalo akong ginanahan na maging demonyo sa oras na iyon. "Magkano ho ba gasolina ngayon?" "Premium?" Sabat sa akin ng ginang na katapat ko ng upuan. Ngumiwi ako dahil kita ko ang maitim niyang kili-kili dahil nakahawak siya sa bakal na nasa taas. "Opo." Sagot ko nalang. "Pero mas interesado ho ako malaman kung anong deodorant ang kayang makapatay ng demonyo sa kili-kili, na may moisturizer pangtanggal ng lubak, at whitening agent pangtanggal ng libag. May alam ho kayo?" Napamaang nalang ang babae sa akin bago umiling. "Halata ho hehe peace." Hagikhik ko at binalik ang tingin sa manong driver na medyo binilisan na ang takbo "I'll be there in 5, this transpo needs some upgrade man." Napabilog agad ang bibig ko nang marinig ang makapal na boses na iyon. Paenglish English pa at kakaiba ang accent. "Yeah, see ya." Rinig ko ulit na sabi ng tinig. Nakita ko ang isang lalaki na katabi ng driver. Nakatalikod ito sa akin at may kausap sa telepono. Napataas nalang ako ng kilay. "Sir, please, I'm goin' to be late." Saad ng lalaki sa driver. Kita ko ang pagyuko ni Manong at saka pinaharurot ang sasakyan. Napamaang ako. Pambihira! "Wow so kapag English sumusunod agad?!" Hestirikal kong saad. Kita ko ang paglingon sa akin nung spokening dollars kaya umiwas ako ng tingin. "Oh my gosh Kuya, me is late. Faster faster the broom broom." Ako lang yata ang maingay doon pero wala na akong pakialam. Masyado akong naiinis dahil late na ako. Nang mamataan na papalapit na ako sa University namin ay saka lang ako tumahimik. Pero mas may sisira yata ng araw ko dahil hindi ko mahanap yung ten pesos sa bulsa ko. "Ah! P-ke!" Sigaw ko sa inis habang panay ang kapa sa bulsa ko. "T-ti!" May sumabay pa. "Pwet?" Saad nung isa. Sinamaan ko sila ng tingin at saka nagpatuloy sa paghalungkat ng bag ko. Pinausog ko yung katabi ko na bata at nilabas ang mga gamit ko. Isang libro lang naman ang dala ko, tatlong notebook at di ko na nilabas ang ballpen. Ninakaw ko lang kasi yung ballpen na yun hehe. Nilabas ko na rin yung baon ko. Kahit amoy utot yung nilagang itlog na ulam ko hindi na ako nahiya. Masarap kaya ang itlog. "Itlog kayo diyaaannn!" Tawa ko at pinakita sa kanila ang aking perfectly steamed na itlog. Saktong 10 minutes ko yun pinainitan kaya sigurado akong tamang tama ang pagkakaluto. Nilabas ko na rin ang tinidor at kutsara ko. Nagulat pa nga ako kasi may sibuyas na nasa bag ko. Pambihira! Tiyak si bunso na naman ang naglagay ng sibuyas! Nakipagaway pa naman si Nanay sa palengke kasi akala niya hindi nailagay nung tindera sa supot yung sibuyas. "Yan yung national fruit ng Pilipinas, oo, hehe." Tawa ko saka binigay sa bata iyong sibuyas. "Mansanas yan." Aba at natuwa pa ang bata. "Culinary ba ang kurso mo?" Tanong sa akin ng babae nang makitang may nilabas akong isang dosena ng magic sarap. Napahilamos na ako ng mukha. Storage ba tong bag ko? "Excuse me! Lucky charm ko to no!" Singhal ko sa babae at sinampay ang magkakarugtong na magic sarap sa balikat ko. "Sabi pa ni Kris Aquino, pag meron ka nito wala kang talo!" Saka ko dinakma ang dibdib at naawa dahil mukhang naflat iyon. Hinimas ko nalang saglit at nagsorry sa dibdib ko. "Ano bang hinahanap mo?" Tanong sa akin ng bata na nasa sahig na ng sasakyan. Binabalatan niya na din yung sibuyas at hanga ako dahil hindi man lang siya naiiyak. Ngumuso ako doon sa bata. Pinaalis ko na siya sa tabi ko kasi kulang ang space dahil may repolyo din pala sa bag ko. Kaya pala masyadong mabigat. "Yung ten pesos ko." Nguso ko at ngumiti na parang aso. Baka naman kasi may maawa sa akin at bigyan nalang ako ng pamasahe. "Woman, it's in your ear. Stupid." Rinig kong sabat nung lalaking spokening dollars kaya mabilis na lumipad ang dalawang kamay ko sa magkabilang tenga. Letse. "Oh it's my coin!" Bulalas ko nang mahawakan ang kanina ko pang hinahanap na ten pesos na nasa kaliwang tenga ko lang pala. Siniksik ko nga pala iyon bago sumakay. Pumara na ako sa driver kahit medyo malayo pa ang University. Saka ko binayad ang ten pesos at naghintay ng sukli. Nabatukan ko tuloy si Manong dahil papaalis na siya. Muntik pa niyang masagasaan ang mamahalin kong sapatos. 150 kaya to! "Ano na naman?!" Galit na yata si Kuya sa akin at sinigawan ako. Tumalsik pa ang laway sa labi ko kaya dinilaan ko iyon. Eww lasang bagoong. Maalat! "Sukli ko Kuya!" Sigaw ko rin at nilahad ang palad. Rinig ko ang mura nung lalaking spokening dollars. Fvck-fvckin ko siya diyan e. "Anong sukli? Dyis pesos ang pamasahe neneng!" Tumalsik na naman ang laway ni Kuya! Wala na kasing ngipin sa unahan ng bibig niya, mapula pula pa ang gilagid. "Alam ko Kuya." Mahinahon kong saad. Inutusan ko ang driver na tumingin sa likod at unahan. Sinunod naman niya. "Ipagpalagay natin manong driver na ang distansya mula sa terminal at University ay dalawang kilometro. Two kilometres is equal to 10 pesos, sample lang ha. Pero bumaba agad ako dito kahit doon pa ang University. Ipagpalagay natin na kalahati sa kalahati ng kalahati ng dalawang kilometro ang layo ng pinagparahan ko sa b****a ng campus. Therefore 2 kilometers minus 0.25 is equal to 1.75. Kung ang dalawang kilometro ay dyis pesos, ang isang kilometro ay limang piso, ang kalahati sa isang kilometro ay 2.5, kalahati ng 2.5 ay 1.25, ibig sabihin ang 1.75 na tinakbo natin ay katumbas ng 5 plus 2.5 plus 1.25 is equal to?!" Saka naman ako bumaling sa mga pasahero na lahat ay may hawak ng cellphone at calculator. Pinanlakihan ko sila ng mata. "ILAN?! SAGOT?!" Singhal ko at sabay sabay naman silang sumagot. "8.75!" Sabay sabay nilang sabi. Napathumbs up pa ako bago bumaling sa driver. "May sukli akong 1.25 pero dahil maganda at mabait ako, piso nalang hehe." Napapakamot nalang si manong driver na dumukot ng piso sa bulsa niya. Sobrang lalim ata ng bulsa kasi ang tagal bago makakuha ng piso o kaya ay ayaw niya lang ako bigyan. "Amoy t-ti kuya ew!" Sabi ko at napapakimpit na hinawakan ang piso. Mabilis na nakaalis ang driver kaya't napabuntong hininga nalang ako. Nakita ko pang tumigil ang tricycle sa may University at namataan ko iyong spokening dollars na bumaba. Schoolmates yata kami. "Para sa piso!" Tawa ko at pasimpleng pinuri ang sarili. Saka naman ako naglakad palapit sa isang maliit na tindahan para bumili ng tinapay. Nag makaawa pa ako na pasobrahan ng isa. Buti nalang at mabait si ateng tindera. Natatakam akong kainin iyong tinapay pero pinigilan ko nalang. Patakbo na akong nagpunta sa University pero tumigil sa tabi ng gate. Mayroon kasing bata roon na bulag. Nakasanayan kong bigyan ng pagkain kapag papasok. "Hello, Mr. Bean." Tawag ko sa bata. Kita ko ang pagsilay ng ngiti niya nang marinig ang boses ko. Napapunas nalang ako ng luha sa awa. Yung sipon ko pa naman parang gripo. Tuloy tuloy sa pagtulo. "Ate Grace! Ang tagal mong dumating." Bati sa akin ng bata at kumaway pa sa kaliwang banda niya kahit nasa kanan ako. "Sorry ha. Bumili ako ng tinapay e. Gusto mo?" Saka ko naman pinahawak sa kanya ang dalawang piraso ng tinapay sa magkabilang kamay niya. "Ito sa tabi mo ha, sa may kanan, tubig. Baka mauhaw ka." Ngiting ngiti si Mr.Bean sa akin, iyon nalang ang tinawag ko sa kanya dahil sa hawak niyang maliit na stuff toy. Di niya rin kasi alam ang pangalan niya. "Pasok na ako Mr.Bean, babalik ako kapag break time na. Saka pag uwian ha, tatabi ka lagi. Alam mo naman, maaarte ang ilang estudyante dito." Paalala ko. Baka kasi maulit na naman ang nangyari noon na inaapakan o kaya binubunggo lang siya. Magaan ang loob ko na pumasok sa classroom pero agad na napasimangot nang malamang excuse pala ako sa umagang iyon. May meeting ang Board of Students Regimens, at isa akong secretary. Kaya't napatakbo na naman tuloy ako papuntang BSR office namin. "Masyado kang matagal." Shet. Natameme ako nang bumungad sa akin ang seryosong tingin ng President namin. Hindi ako nakasagot at yumuko nalang. Nakakahiya. "S-so-so-so-so.." Nanginig ang mga labi ko kaya hindi ako nakapagsalita. Kita ko ang pagkunot ng noo ni President at pinipigilan ang pagtawa. "Anong soso?" Puna niya. Mas lalo akong nahiya dahil nagtatawanan iyong ibang officers. "Sorry yun. Shortcut lang, soso!" Giit ko at inirapan siya na parang siya ang pinakabobong president na nakilala ko. Naupo na rin ako sa tabi niya, ramdam ko ang mga makahulugang ngiti at tingin ng mga estudyante sa amin. Napailing nalang ako. Maisyu. Nagsimula na nga ang meeting pero lutang pa rin ang isip ko. Panay ang pagcalculate ko sa naging math discussion ko sa driver. Hindi kasi ako sure kung tama iyon. Naku naman! Baka tres pesos pala ang sukli ko at nagkamali ako ng bilang! Saka iyong repolyo?! Saan galing?! Wala kaming tindahan ng mga hilaw na gulay. Wala din akong natandaan na bumili ako o si Nanay. "Repolyo shete." Bulong ko at inalog ang bag. Hindi na gaanong mabigat! Shet baka naiwan ko sa tricycle! Sayang at pwede iyon sa nilagang baboy! Idagdag pa na amoy t**i ang kamay ko dahil sa piso na dinukot pa yata ni manong driver sa kasuluk-sulukan ng kagubatan niya. Shet di na talaga ako virgin! "Mary Grace!" "Potang t-te na may repolyo!" Napasigaw ako sa gulat dahil sa pagkalampag ng mesa. Nang matauhan ay saka ako tumingin sa paligid. Nagtawanan ang naroon ngunit si President ay napapahilamos na ng mukha. "Anong nangyari sayo?! Kanina ka pa bulong ng bulong diyan!" Galit na sigaw niya sa akin. Napamaang ako. "Talaga? Anong binulong ko?" Takang tanong ko naman. Napahilamos ng mukha si President. "Panay ang sabi mo ng t-ti." Si Vice ang sumagot. Gusto ko nalang lumubog sa kinauupuan dahil sa hiya. Ay shet talaga ba? "Anong t**i?" Pag mamaang-maangan ko. "Tumakbo kasi ako papunta dito! Masakit dibdib ko kasi masyado malakas ang TITIbok ng puso ko duh!" Pagrarason ko at hinimas ang dibdib. Napatikhim si President kaya naibaba ko ang kamay. "Soso." Ngiti ko nalang at sumeryoso na lamang. Napagusapan na namin ang tungkol sa mangyayaring college camp. Hiwa-hiwalay ng venue ang bawat college level, at iba iba rin ang schedule para maiwasan ang disorganisation. Nagsuhestiyon naman ako ng lugar. "Sa may West, maraming camping area doon diba?" Saad ko. Saka hindi delikado doon. Well-developed ang mga train. Sa huli ay sumangayon na sila sa akin. Akmang matatapos na ang meeting nang bulabugin kami ng humahangos na estudyante. Duguan ang ilong. "Anong nangyari?" Agad na tanong ng Treasurer namin sa estudyante na pumasok. Humahangos pa siya kaya di nakapagsalita. "Sa...sa may court...ma-may...away!" Napangiwi pa ako dahil naghahalo na ang dugo at sipon sa ilong ng lalaki. Nahuhulog pa. "Sino?" Mariing tanong ng President namin sa lalaki. "Ang gunslinger." Natahimik ang buong kwarto nang marinig iyon. Ako naman ay nagtataka lang. Last year lang ako lumipat dito ng school at di ko pa masyado kilala ang tinutukoy nilang gunslinger. Pero marami na akong narinig tungkol sa kanya. "Sinuntok ka ba?" Tanong ko sa lalaki. Umiling siya sa akin. "Hindi...wala." "Bakit dumudugo ang ilong mo?" Napakamot pa siya ng ulo. "Inenglish ako eh." Ah grabe. Buong council ang nagtungo sa may court para makita ang gulo doon. Nagningning ang mata ko nang mapansin na maraming tao. Parang nasa arena. Napatakbo ako sa gitna hanggang sa makita ko ang nagsusuntukan. Napanganga ako, hindi halos makapagsalita. "Oh my gosh." Bulong ko bago napasigaw. "Oh my goooosshhh! Sa pula ako! Sa pula! Ayy shett may pustahan ba?? Pasaliiii! Iyong nakared ako pupustaaaa! Ay shet sige! Pak pak yan tuhurin mo ang t-ti! Where the sun never shines!" Natigil ang pagaala-sabong ko dahil may humila sa kwelyo ng uniform ko. Magrereklamo sana ako pero natigilan nang makitang si President iyon. Pumito pa siya kaya napapikit na ako. "Go back to your classes!" Malakas na sigaw ni President at agad naman nagtakbuhan ang ilan. Namangha pa ako dahil halatang natakot ang iba. "Leaaavveeee!" Sigaw ko rin pero pumiyok lang ako. Yung ibang tumatakbo ay tumigil pa talaga para tingnan ako. May ibang tumatawa kaya natawa rin ako hanggang sa nagtuturuan kami habang humahalakhak. "Mary Grace." Suway sa akin ng President. Sabi ko nga, hindi talaga ako bagay maggalit-galitan. Nang magsialisan ang mga estudyante ay kaming officers nalang ang nandoon at ang dalawang nagsusuntukan kanina. "Not getting tired causing trouble, aren't you, Cristian?" Malamig na sambit ng President sa lalaking nakangisi. Ang isa ay duguan ang labi. "Still not used to it, Mr. President?" Hirit nung Cristian at nasapo ko ang dibdib pero dahil wala akong dibdib ay ang bibig ko nalang ang tinakpan. Shet! Siya yung lalaking spokening dollars na nakasabay ko sa tricycle! Siya ang gunslinger? Sure na? Sayang! Ang gwapo pa naman. Handa na sana akong magpapicture! O kaya ay magcoconfess ako sa confession files ng University, kunwari siya nagsend tapos magcoconfess siya na crush niya ang babaeng nagngangalang Mary Grace. Nagkakainitan na ang dalawa kaya pumagitna na ang ilang kasama namin. Nilayo nila si President doon sa gunslinger at saka tinulak naman ang baklang Vice para siya humarap. "Alam mo fafa, isang gabi lang at hindi ka na kailangan magface ng sanction." Malanding saad ng bakla at biglang gumiling. Ramdam ko ang pagsiko sa akin ng isang kasama ko. "Bakit?" Bulong ko. "Ikaw kumausap." Saad ng katabi ko. Napasuklay nalang ako ng buhok gamit ang daliri at lumapit doon sa gunslinger na tinatawag nila. Rinig ko ang pagtawag sa akin ng President na mukhang pinipigilan ako. Hindi ko iyon pinansin at seryosong naglakad palapit sa gunslinger. Nagkatitigan kami at nagpalitan ng tingin. Napabuntong hininga ako. Kaya ko to. "Sawadikaaaa!" Malaki ang ngiti ko na kumaway sa lalaki. Pinagsiklop ko pa ang dalawang palad at bahagyang yumuko. Kita ko ang pagkunot ng noo niya sa akin. "Sawa ka na ba? Sakin ka na!" "The f**k? Ikaw na naman?!" Bulyaw niya at naisalag ko agad ang palad sa mukha baka may tumalsik na laway. Buti nalang wala. "Mabango hininga mo no?" Puna ko at inamoy amoy pa siya. Bahagya namang umatras ang lalaki. "Damot, paamoy lang e." Kita ko ang paghilamos ng lalaki sa mukha niya bago naiiritang tumingin sa akin. "Dahil sa ginawa mo, kailangan mong mag linis ng cr o kaya ay mag assist sa library. Pili ka nalang. Unang parusa palang yan ah. Sa susunod na mahuli ka na naman na manggulo, pangalawang level na ng punishment. Baka community service na with suspension. Naku! Wag kang aabot sa suspension dahil madalas pa naman ako magpagive away ng ten pesos load sa mga laging present. Kung masususpend ka, less chances of winning. Saka masisilayan mo pa ng madalas ang magandang mukhang grasya ng Diyos kay Mary Grace aka your Miss sexy-tary." Saka ako kumembot na sinabayan ng baklang Vice namin. Nagtatawanan kaming dalawa nang umismid iyong gunslinger. "Fine. I'll do the library assistance. Ilang araw ba?" Pagsusuko ng lalaki. Rinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa likod ko at ako ay napangiti sa sarili. Ang galing ko talaga. "One month." Si President ang sumagot. Kita kong magrereklamo ang gunslinger pero binuka ko na ang bibig para ipaliwanag iyon. "Kung nagtataka ka kung bakit one ---" Natigil ako sa pagsasalita dahil nilapat ng lalaki ang palad niya sa mukha ko. "Oo na baka kwentahan mo pa ako ng math problems mo diyan." Ngiwi ng lalaki sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya dahil mabango pati palad. Parang binabad sa hand sanitizer. Kahit hininga nga mabango. "Pati pwet mo mabango no?" Tanong ko pa. Mas lalo lang nagalit ang lalaki. Siguro mabaho ang pwet niya kaya nagalit siya. "Ayos lang yan. Dalasan mo nalang paghugas ng pwet." Pagdadalo ko pa at tinapik ang balikat niya. "You're unbelievable." Pageenglish niya sa akin bago umalis. Binunggo pa niya ang balikat ko kaya napasalampak ako sa sahig. Si President agad ang tumulong sa akin. "s**t, are you okay?" Nagaalala niyang tanong. Kinakabahan ako sa inasta niya kaya agad akong umatras nang makatayo. "Ok lang." Sabi ko at sinundan ng tingin iyong lalaki na papaalis. Rinig ko ang paalala ni President na binalewala ko lang. "Wag ka na ulit lalapit sa lalaking yan, Mary Grace. Demonyo yan." Nagtaka ako sa sinabi ni President. Muli kong tiningnan ang papalayong gunslinger at tiningnan kung napapalibutan siya ng itim na usok. Wala naman. Wala din sungay. Wala din yung malaki na parang tinidor na tungkod. "Judgemental talaga si President." Bulong ko nalang sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD