Serena woke up in the middle of the night and once again craved something sour. Mahimbing na ang tulog ni Cyrus, hindi na niya ito hinayaan na magising pa. Maingat siyang bumaba ng kama at walang ingay na lumabas ng bedroom. Pagbaba niya ng stairs ay agad siyang dumiretso sa kitchen. Nagliwanag ang mukha niya nang pagkapasok niya ay nakuha agad ang atensyon niya sa isang tupperware na nag-iisang nakalagay sa ibabaw ng table. Nang buksan niya ay bumungad sa kaniya ang maraming sliced green mango. Natakam siya bigla, dahil tamang-tama at mangga nga ang hinahanap niya. Napabungisngis pa siya sa tuwa, dahil akala niya ay walang mangga gawa ng nakalimutan pala niya magsabi sa mga katulong kanina na magpabili ulit. Akmang uupo na siya sa upuan para sana simulan nang kumain, pero napahinto

