Kabanata 35

1083 Words

LOVIE's POV "A, 'yan po ba? Si Mrs. Wong po 'yan. Sa ngayon nasa Germany sila ni Mr. Wong." Awtomatikong kumunot ang aking noo. Hindi makapaniwala sa narinig mula kay Aling Petra. "Mr. and Mrs. Wong?" "Opo, Ma'am. Bakit po, kilala niyo po ba si Mrs. Wong?" Pansin ko ang pagtataka sa reaksyon ni Aling Petra. Hindi agad ako nakasagot sa tanong nito. Tila ba pino-proseso pa ng aking utak ang sinasabi nito. "Ma'am?" Untag nito sa akin. "May kakambal ba si Mrs. Wong?" seryosong tanong ko kay Aling Petra. "Hindi ko po alam, Ma'am, e." Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Timplahan mo na lang ako ng gatas, Aling Petra." "Sige po." Nang lumabas na si Aling Petra sa silid na kinaroroonan ko, tumayo ako mula sa aking kama kahit na nga sabihing nahihirapan pa akong tumayo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD