LOVIE'S POV HINDI naman nagtagal si Mr. Wong at dumating ito. Pansin ko ang tila bagsak ang mga balikat nito. "Sa tingin mo alam na niya ang nangyari kay Mr. Grey Wong?" mahinang tanong ko sa asawa. "I guess so," sagot nito. "Thank you, by the way, I brought some food and dinner?" turan ni Mr. Wong sabay abot sa aking asawa ng paper bag kung saan nasa loob ang pagkain na para sa aming mag-asawa. Nakangiting inabot naman iyon ng aking asawa mula kay Mr. Wong. "Thanks for this, Mr. Wong." "You're welcome, Mr. Del Mundo. Just a heads up, Aling Petra will be coming later. She'll be taking care of Mommy and Dia for now." "Mabuti naman kung gano'n," singit ko. Pansin kong tila mas dinagdagan nito ang ilang mga security para sa aking ina't kapatid. "We're still unable to determine the

