LOVIE'S POV NAIBALIK ang diwa ko sa reyalidad nang marinig ang boses ng aking asawa. "Hey, what happened?" takang-tanong nito. Walang-tigil sa pagtulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Sinalubong ko ang nag-aalala nitong mukha. Itinuro ko ang flat screen TV. Saka naman nito ibinaling ang tingin doon. "N—Narinig mo ba ang balita? S—Sino sa tingin mo ang nasa balita?" Medyo nauutal kong tanong dito. Naramdaman ko kaagad ang mahigpit na yakap ng aking asawa. "Be brave, hon." Para bang unti-unting pinipirasu-raso ang aking puso sa sobrang sakit na nadarama. "I wish I could handle all of this burden," nanghihinang sagot ko sa aking asawa. "I'm sorry pero hindi ka pwedeng pumunta sa hospital. Mukhang kailangan kong tawagan ang tunay na si Mr. Daniel Wong para ipaalam ang nangyari sa

