LOVIE'S POV NAKATITIG LANG ako sa naturang brown envelope. "Good morning!" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ng aking asawa. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Wala sa sariling inilapag ko ang naturang envelope sa dinner table at tumayo para salubungin ang asawa. "Good morning, alam mo bang nagluto ako ng Adobong Manok?" "Hmmm... excited na akong matikmang muli ang mga luto mo," nakangiting sagot nito sa akin. "Talaga?" nakangiting ani ko pa. "Yeah!" "Sige na maupo ka na at iinitin ko lang muna saglit," tugon ko at tinungo ang kinaroroonan ng niluto kong Adobong Manok. Pagdating ko sa kusina ay naamoy ko ang tila Sinigang na Baboy. "Hmmm... mukhang ang sarap naman niya'n, Aling Elma." "Ma'am, dinagdagan ko po ng isang putahe ang luto niyo para may sabaw naman."

