"Oh my God! This is insane." Natutop niya ang nakaawang na labi, parang gusto niyang sumigaw nang magising siyang nakahubad sa hindi pamilyar na kwarto. At ang pinakamalala ay may hindi kilalang lalaki ang tulog na tulog sa tabi niya.
"What have I done?" tanong niya habang isa-isang dinadampot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig. Pagtapos masuot lahat iyon, ay muli niyang tinapunan ng tingin ang matipuno at gwapong mukha ng lalaking himbing pa rin na nakadapa sa kama.
"God!" aniya bago tuluyang lumabas ng silid. Wala siya sa sariling naglakad palabas ng hotel na iyon. Damn! She remembered it all, lahat lahat! Ang paghalik niya rito sa club, at ang mainit na pakiramdam na hindi niya batid kung dala ba ng labis na pag-inom niya ng alak, o dulot ng pangahas nitong halik.
Binilisan niya ang lakad, at pumara ng taxi dahil hindi niya alam kung saan niya naiwan ang sasakyan niya. Hindi niya alam kung saang lupalop siya dinala ng estrangherong iyon. Masakit din ang ulo niya, pati ang buong katawan niya.
Mababaliw na s'ya, dahil nag-rerewind na naman kasi sa isip niya ang mainit na tagpong iyon, and it made her face turn into red.
"s**t ka, Alexandra! Ano'ng kagagahan ang ginawa mo?" kastigo niya sa sarili.
Huminto ang taxi sa b****a ng village dahil sinita ito sa gate pa lang. Kahit ipilit niya ay hindi maaari dahil niya pwedeng labagin ang rules and regulations ng buong Village. Kaya naman kinailangan na niyang bumaba sa taxi na sinasakyan dahil hindi iyon allowed na pumasok sa loob ng South Ridge. Mahigpit ang security sa buong village at hindi pinapayagang pumasok ang ano mang public vehicle sa loob, at bawat sasakyang dumadaan at pumapasok doon ay naka-register sa cctv data ng buong lugar.
Hindi niya napigilang mapasimangot sa sobrang frustration dahil wala siyang ibang choice kung hindi ang maglakad papunta sa Mulberry Street kung nasaan ang bahay niya.
Parang gusto na tuloy niyang umiyak dahil hindi pa siya halos nangangalahati ay masakit na ang paa niya, idagdag pang naka-high heels siya ngayon.
"Ghurl?" Napatuwid siya ng tayo nang huminto sa tapat niya ang isang sasakyan. Nakabukas ang bintana niyon kaya't tanaw niya ang babaeng nasa loob. Nakangiti ito sa kanya at halos magdikit na lalo ang singkit nitong mata.
Nag-alangan siyang gumanti ng ngiti dahil hindi siya sigurado kung siya nga ba ang tinawag nito.
"Uy ghurl," muli nitong tawag. "Hindi ba ikaw 'yong nakatira sa kabilang lote? Bahay mo yung puro salamin tapos kulay itim yung interior 'di ba?" dere-deritsong saad nito.
"Ha?"
"Tsk!' Yong sa Mulberry?" anito nang tuluyang makababa ng sasakyan.
"Ah... yes! That's mine. I'm Alexandra Martinez, and you are?" Inilahad niya ang kamay sa kausap.
"Peppermint, but just call me Pepper," anito at tinanggap ang palad niya.
"Bakit ka naglalakad, ghurl? Ang hinit kaya I mean, it was so hot, hindi ka ba takot matusta? Saka bakit ganyan 'yang palda mo, uso ba ' yan?" walang prenong tanong nito sa kanya.
And speaking of her skirt, bigla na naman pumasok sa isip niya ang tagpong iyon. That stranger! Na siyang salarin ng pagkasira ng palda niya.
"Ghurl, mag-daydream ba? Halika ka na, sumabay ka na sa' kin. Hindi mo naitatanong magkatabi lang tayo ng bahay." Iginiya siya nito papasok sa kotse nito at siya naman parang wala pa rin sa sariling nagpati-anod na lang.
Pepper was so nice, medyo may pagkamadaldal lang ito ng konti. Maganda at napaka-jolly. Bagay na hinangaan niya agad sa kapitbahay na kakikilala pa lang niya. Hindi siya pala kaibigan, lalo na sa mga nasa loob ng village. Madalas ay sa mga events lang ng home owners association niya nakikita at nakakausap ang ilan sa mga ito.
"Kainin mo 'yan ha! Bet ko 'yan, no worries I'm very sure magugutuhan mo rin iyan!" paalala nito sa kanya bago pinausad ang sasakyan patungo sa sariling bahay nito.
Hindi tuloy niya naiwasang mapangiti nang tingnan ang box na hawak niya galing kay Pepper. May laman iyong anim na pirasong Putopao na kanina pa nito ibinibida sa kanya. Pansamantala ring nawala sa isip niya ang mga problema niya sa buhay at sa asawa niya. Natagpuan na lang niya ang sariling ini-enjoy ang pagkain na galing sa makulit niyang kapitbahay. Tiyak hindi na boring ang pagpunta niya sa susunod na home owners meeting dahil sa babae.
Nang matapos niyang lantakan ang Putopao ay tumayo na siya sa kinauupuan at nagpasyang umakyat sa silid nilang mag-asawa nang hindi sinasadyang madaanan ng kanyang paningin ang malaking salamin sa gilid ng hagdan.
Napapikit si Alex nang makita ang sariling reflection doon. Sukat doon ay unti-unti ng nagbalik sa kanya ang lahat. Anong kagagahan ba ang ginawa niya kagabi? Wala siyang matandaan maliban sa pag-inom niya at paghalik sa hindi niya kilalang lalaki. Ang pagkapunit ng palda niya na ngayon at pinagmamasdan niya sa salamin.
Wala sa sariling nakagat niya ang mga labi. Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang nakaramdam ng kakaiba dahil sa mga imahe sa utak niya. Naglalaro doon ang mukha ng lalaking umangkin sa kanyang mga labi.
Imposibleng walang nangyari sa kanila ng lalaking iyon, pero bakit wala siyang matandaan maliban sa mga halik nito. Bigla siyang nakaramdam ng guilt sa sarili niya. Nagtaksil na rin ba siya sa asawa niya dahil nakipagniig siya sa iba? Parehas na ba sila nitong walang moral?
Bumalikwas ng bangon si Damon nang biglang sumugid ang lamig ng paligid dahil sa aircon na naiwang bukas. Sumalubong iyon sa hubad niyang katawan.
"f**k!" mura niya nang bigla niyang maalala ang ginawa niya kagabi. Agad siyang tumayo at hinanap ng paningin ang babaeng katabi niya. "s**t! Where the hell is she?"
Halos mapalundag siya sa kama sa pagkataranta. Nagmadali siyang damputin isa-isa ang mga damit niyang nagkalat sa sahig. Nang masuot iyon ay nagmadali siyang tumungo sa lobby at nagtanong sa receptionist na naroon.
"I'm very sorry, Mr. Brant," ayon lang ang huling naging sagot nito sa kaniya dahil hindi raw dumaan doon kung sino man ang kasama n'yang nag-check in doon.
Bumuntong-hininga lamang siya habang palabas ng hotel na iyon na isa sa mga pag-aari niya. Dumeretso siya sa parking at wala sa sariling sumakay sa kanyang sasakyan at pinahaharurot iyon palabas ng lugar.
"Where are you?" tinatanong n'ya talaga sa sarili niya kung nasaan ito kahit alam naman na niya sa sarili niya kung saan ito maaaring naroon. It's just his mind condemned him from thinking that she might go home, to her husband.
"Damn it! f**k that husband!" He gritted his teeth in so much anger.
Bakit ba hanggang ngayon hirap pa rin siyang ipaintindi sa sistema niya na mali ang ginagawa niya. Bakit ba hindi pa rin niya matanggap. He doesn't have any f*****g right to feel such thing. He doesn't have any right to be with her. Kasalanan iyon hindi lang sa batas, kundi sa mata ng tao at ng D'yos. And he feels guilty for wanting what he want, everytime.
Sa t'wing tatakbo ito sa isip niya, sa t'wing papangarapin niyang makasama ito, sa t'wing ipagdarasal niya na sana mapasakanya ito, mahalikan, mayakap at makaniig. He's being a self centered man, a selfish one, and he feels so damn guilty right now dahil muntik na niyang samantalahin ang kalasingan nito.
Muntik na, gahibla na lang. Kung hindi siguro ito nawalan ng malay dahil sa sobrang kalasingan sigurado siya na hindi na niya makakaya pang pigilan ang sarili niya na.
Last night was a bit of his dream comes true. Just a f*****g bit. What happened last night put him in heaven and hell situation. It was hell of a torture for him. Taming his bulging erect friend in between his thighs while having a woman he adore for a very long time naked in front of him wasn't easy. Gusto niyang makita ito ulit at makasama. Pero paano niya gagawin iyon kung alam naman niyang ilalagay niya sa mahirap na sitwasyon ang babaeng may asawa.