BAW4: Ang Kailangan!

1414 Words
------- ***Akeelah's POV*** - Kanina pa ako pabalik- balik sa paglalakad, habang nakaupo naman sa may sofa ang lalaking bisita ko na Saven ang pangalan. Nasa loob na kami ng bahay ko, at nasa may sala kami nitong munti kong tahanan. "Will you please, sit down! Ako ang nahihilo sayo." aniya. Pakiramdam ko naiirita sya sa ginagawa ko. Napahinto ako at madiin akong napatingin sa kanya. "Can you please mister, hayaan mo muna ako. Hindi pa kasi nag sink in sa utak ko lahat ng mga sinasabi mo." Pinamaywangan ko sya. Pagkatapos ng ilang segundo, nagpalakad- lakad na naman ako muli. I am so anxious at the moment. Masyadong maraming information ang pumapasok ngayon sa utak ko. Sumasakit ang ulo ko. Parang puputok lahat ng ugat sa sentido ko dahil sa mga sinasabi nya. May kakambal daw ako. Pero, wala naman nasabi sa akin ang mga magulang ko tungkol sa kung kakambal nga ba talaga ako. Asawa daw sya ng kakambal ko na Faith ang pangalan. Patay na daw ang kakambal ko. Kakaalam ko lang na may kakambal ako, pero patay na agad. Good news na nga, naging bad news pa. At kailangan daw nya ako para magpapanggap na si Faith, para sa anak nyang may sakit sa puso. Mga isang taon lang naman daw, nakatakda daw kasi ang operasyong ng anak nya sa taong ito. Sinong hindi halos mabaliw sa kalituhan kung pagkatapos lamang ng isang oras, iyan ang mga nalalaman ko. Para lang akong nag- aaral nito ng leksyon ko at dahil sa dami nang pinag- aaralan ko kaya walang pumapasok sa isip ko tuloy. Kailangan ko pa ng ilag sandali para tuluyan mag- sink in ang mga pinag- aaralan ko sa utak ko. At may pahabol pa ang bisita ko. I will act like Faith, dress like Faith and Faith....Faith...Faith...God! Nababaliw na yata ako. But wait, there's more...... Dapat daw lahat ng panahon ko ay ilalaan ko lamang sa anak nya na Sandy ang pangalan. Aalagaan at mamahalin ko daw ng todo ang anak nyang si Sandy. Walang ibang makakaalam, maliban lang sa mga kapatid at magulang nya na hindi talaga ako si Faith. At....para daw hindi magtaka si Sandy o ang mga kasambahay ....ipapalabas daw na may mild amnesia ako. O diba! Parang telenobela. Magiging bida na yata ako sa telenobela. At ano nga 'yong sinabi ng lalaking ito kanina lang? "I need you to solely fulfill the role of my acting wife. Do not even entertain the idea of falling in love with me. It would only lead to pain. I've sworn to never open my heart to love again, not after the loss of my beloved wife." Umasim yata ang mukha ko nang naalala ang sinabi nya kanina. Aba! Kainis ng Saven na ito. Kakausbong pa nga ng pantasya ko sa kanya, pinatay din nya agad. Pero, tama naman ito, diba? Para hindi ko na ipagkamali na ipakanulo itong sarili ko na mahulog sa alindog nyang napaka- yummy. Bakit naman kasi ang guapo- guapo ng Saven na ito? Nung umulan siguro ng kaguapuhan, sinalo siguro nya lahat. Asa pa sya na mainlove ako sa kanya. Kala nya. Ayaw ko ngang agawan ang kapatid ko raw. Baka multuhin pa ako ni Faith. Huminto ako sa paglalakad at kumuha ako ng tubig sa loob ng maliit na refrigerator ko. Diretso ko itong ininom, kaya napaubo ako ng walang sa oras. Shit! Ang lamig- lamig ng tubig. "Are you okay?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Saven ang nakita ko. Nakatayo sya sa bungad ng kusina. I exhaled and calmed myself. "I---I'm fine!" Nakahawak ako sa may dibdib ko. I am panting silently. Lumapit sya sa akin. Kaya mas lalong naging mahirap ang paghinga ko. "Just calm down. Inhale and Exhale. Wag mong pigilan ang paghinga mo." Aniya Hinagod nya ang aking likod. At ang init ng kamay nya. Kahit may suot akong damit, pero parang tagos sa balat ko ang init na nagmula sa kamay nya. "Are you okay now?" God! Pati boses nya ay nagpabilis din sa t***k ng puso ko. "O-Okay lang ako. P- Pwede mo na akong iwan." "No, you're not okay. You need to relax. Umupo ka muna sa may sofa." He encircles his right arm to my waist. Mukhang alalayan nya ako. Kaya imbes kumalma ako. Mas lalong nagwala itong pasaway kong puso. Ano ba kasing klasing torture ang naranasan ko ngayon? ----------- Kanina pa ako pabaliktad-baliktad sa ibabaw ng kama ko. Hindi ako mapakali, nasa kabilang kwarto lang kasi si Saven, dito muna sya pangsamantalang natutulog, dahil naabutan na sya ng gabi. This is the first time na may kasama akong lalaki sa bahay ko, maliban of course, sa tatay ko. This is our first night to be in one roof. Ano ba itong iniisip ko? At hindi ako makatulog na isipin ang kabaitan ko. Ginugulo na nga ng lalaki ang buong sistema ko kanina. Ngayon, pinapatuloy ko pa sya dito sa bahay ko. Ang bait- bait ko talaga! Well, para narin naman pagmamay- ari ni Saven itong bahay, dahil sya naman ang tumubos sa lupa namin mula sa matandang intsik. Hindi ako makatulog. Kailangan kong lumanghap ng sariwang hangin. Kaya napagpasyahan ko na lumabas muna. Magpapahangin lang ako sandali sa may bababa. Nakarecline akong nakaupo sa isang stool. Pikit matang nakatingala, habang malayang dumadampi sa mukha ko ang sariwang hangin. "Nay, tay, kung nasaa-----Ay! Kamatay!"napalukso ako bigla nang may tumapik sa balikat ko. Inis akong napatingin sa taong gumawa nito. "I'm sorry! Akala ko kasi natutulog ka. I just want to wake you up." Halata sa mukha nya na parang pinigilan lang ang matawa. Tatarayan ko na sana sya, kung hindi ko lang napagtuunan ng pansin ang ayos nya. Nakapamulsa sya sa kanyang loose jeans, and he is shirtless. Lihim akong napalunok nang napagmasdan ang katawan nya. Ang ganda ng matitigas nyang muscle sa katawan. Ang sarap pagmasdan ng mga pandesal sa katawan nya. "W- Why are you naked?" I looked away. "I'm not naked. I'm half naked." Aba! Pilosopo pala sya. I looked at him using my side vision. "It's the same, you're still naked." "Naked and half naked is two different things. It----" "It still has a word naked at the end." Hindi ako patatalo sa kanya. Napatawa sya ng mahina. Na tila ba na-amuse sa akin. "Okay! You win!" Pagsuko nya. "Ah....." Tumikhim sya. "Nainitan kasi ako. And I'm sorry kanina, natakot yata kita." Tumingin muli ako sa kanya. Nasanay na ako sa ayos nya ngayon. Kaya lihim nalang akong nagpi- pyesta sa abs nya. "Okay lang. Pinutol mo lang naman ang pagrereminisce ko." Pinalungkot ko ang aking mukha. Nahabag sya sa naging reaksyon ko. Guilt was all over his handsome face. Napatawa ako. Biniro ko lang naman sya. "Okay lang talaga!"ngumiti ako. Napatanga sya. Napakunot- noo ako. "May problema?" He shook his head. Saka sya napabugtong- hininga. "Ahh.....nakapagdecide ka na ba?" Alam kong ang tinutukoy nya ay kung pagbibigyan ko ba sya sa hiling nya sa akin. Hindi pa talaga ako nakapagdesisyon. Naawa ako sa anak nya. Pero, tama bang lukuhin namin ito? Paano kung kaysa makabuti, mas lalo tuloy nakasama? "Ahh....." "I understand. Hindi nga naman madali ang hinihingi kong pabor sayo. Pero sana, mapagbigyan mo ako." His eyes are pleading. "Natatakot kasi ako. At saka, I don't know if I can act like Faith. She is practically stranger to me. If not for you, baka hindi ko malalaman na may kakambal pala ako." Lumapit sya sa akin.. Napasinghap ako ng pinasiklop nya ang aming mga kamay. Nakatingin sya sa mga mata ko. "Don't worry, I'm with you through all the way. At saka may magtuturo din sayo kung paanong umasta na katulad kay Faith. May mga video din si Faith na ipapakita ko sayo." he said in a low and soft voice. Nakatanga ako sa kanya. His eyes gleam like stars, radiant and captivating, brimming with emotion. How can a man possess such expressive eyes? As he gazes at me, it seems like he has something to say, like something is troubling him. He appears anxious. Suddenly, he releases his grip on me and turns away. "Maglakad- lakad lang ako sandali. Hindi ako lalayo." Aniya. Hindi na sya lumingon sa akin. "O-Okay!" Out of the blue na sagot ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ewan ko! Naguguluhan ako sa buhay at sarili ko ngayon! Nasundan ko nalang ng tingin ang bulto ng papalayong lalaki. Mayamaya lang, napagpasyahan ko na ang umakyat na sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD