Chapter 11~The Ring
Skyler's POV*
"Ano ba!" I shouted habang binabawi ang braso ko kay Renzo pero hindi ko talaga magawa. Kasalanan ko bang mas malakas siya sa akin?
"Urggh! Let go of me!" I shouted angrily. Bingi ba siya o nagbibingi-bingihan? Hindi ba niya naririnig ang sinasabi ko? Sumisigaw na nga ako eh! I-donate ko kaya ang isang tenga ko sa kaniya?
"Ano ba!" I shouted. Tumigil siya sa pagkaladkad sa akin and glared at me.
"Shut up," paninita niya sa akin. Tinapon niya ako sa lupa and kneeled down and cupped my chin up.
I closed my eyes. For sure galit siya dahil andun ako sa office ng pathetic lover niya at magmamakaawa siya sa akin na huwag sabihin sa iba. Poor him, I can't promise to do that unless he won't harm me.
"Why are you there in the Dark Forest? Are you really that stupid to go on such a dangerous place?" galit na sabi niya. Nagulat naman ako. " I'll make sure you pay for the efforts I exerted in running after you."
"I never said you go after me idiot," sabi ko at inirapan siya. Napapikit siya sa inis.
"This idiot just saved your ass sweety," he said. Napasimangot ako. "And the next time I see you running around after curfew, you'll sleep in our room. No buts."
"I can handle myself daddy," I said sarcastically. Hinila niya ako patayo at kinaladkad palayo. Magpapahila nalang sana ako ngunit bigla kong naalala ang isang bagay kaya kinapa-kapa ko ang bulsa ko.
Oh sht! Where the hell is the ring!
"What's wrong?" takang tanong niya. Lagot! Hindi ko naman siguro naiwala yun diba? Please! Sana hindi!
"M-May nakita ka bang singsing?" tanong ko sa kanya. He rolled his eyes as if I just asked a stupid question.
"Of course. Malamang pumupunta ako sa mga mall. Stupid," sagot niya. I glared at him. Wala ba siyang common sense? Naiinis na ako sa kanya bwisit!
"Stop kidding Ferrer, iba ang tinutukoy ko. It's a sterling silver blue and white diamond twist band ring," inis na sabi ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya sa sinabi ko.
"Samahan mo akong hanapin ang singsing na 'yon. Mahalaga ang bagay na iyon sa isang taong kilala ko," seryosong sabi ko sa kanya. He glared at me pero dahil desperado na akong mahanap ang singsing ni Jahara, hindi ako tinablan.
"Kung aangal ka, wag ka nang magtaka kung bakit nakapaskil ang mukha mo kahit saang sulok ng campus na ito at nakasulat doon ang sikretong pinakaini-ingatan m-"
"I never said no, stupid," sabi niya at hinila ako pabalik sa Dark Forest. Di naman pala aangal eh, good boy.
Iginala ko ang mga mata ko sa Dark Forest. Masyadong tahimik ang kagubatan at ang gumagawa lang ng ingay ay ang mga sapatos namin. The atmosphere here is creeping me out and sana hindi nalang nawala ang singsing na yun. Wala na rin ang mga m******s kanina.
"s**t," rinig kong mura ni Ferrer. Ba't naman nagmumura ang isang 'to? Don't tell me natatakot rin siya?
"What's the problem demon?" I asked and dahil sa ginagawa niya, I am starting to panic. He glared at me.
"The evil girl just called me demon, wow," he said sarcastically. I rolled my eyes. Ang arte naman nito, eh totoo namang demonyo siya ah!
"Did I say demon? I said mammon. Stupid," I said and rolled my eyes. Siya? Mammon? Ulol.
"Let's argue on some time okay? What's important now is the ring of your bestfriend," nang-aasar na sabi niya at diniinan ang pagkakasabi ng bestfriend. Paano niya nalaman na hindi sa akin ang singsing na yun?
"She is not my bestfriend," seryosong sagot ko sa kanya. Wala akong friends sa campus na ito at hindi ko pwedeng maging kaibigan ang nerd na yun.
"Really? Edi sana hindi ka nag-effort na hanapin ang singsing niya," sagot niya. Napahinto ako. Why am I doing this in the first place? Lumalambot na naman ba ang puso mo Sky?
No, ibang Sky na ako ngayon. Hindi na ako yung Sky na madaling naloloko noon.
"Familiar ang singsing sa akin and I think it's related to-" natigilan ako sa pagsasalita. Why am I telling those things to him? I don't trust him.
"Related to what?" tanong niya sa akin na nakakunot ang noo niya. Pinagpapawisan na ang mga kamay ko. Think Sky! Dapat hindi niya malaman!
"R-Related to marriage. Para kasing engagement ring eh, hehe.." sabi ko with an awkward laugh. He looked at me na parang nagdududa sa inasta ko pero binalewala nalang niya. Buti naman at hindi na siya nangulit.
Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad habang hinahanap ang ring ni Jahara. Magpakita ka na please! Gusto ko nang matulog alam mo ba yun?! Pa-bet rin ang singsing na'yon eh.
Psst.
Psst.
"Don't play with me Ferrer," I said seriously. He looked at me innocently. Sarap sapakin ng isang 'to eh! Takutin ba naman ako?
"What did I do?" he asked innocently. Heh! May pa-inosente pa siyang nalalaman eh hindi naman siya inosente!
"Never mind," sagot ko nalang dahil ayaw ko nang makipag-away sa lalaking 'to. In the end maiinis at maiinis lang ako sa kanya. I don't have the mood to fight over this nonsense.
Psst.
Psst.
"Napupuno na ako sayo ah!" galit na sigaw ko sa kanya. He glared at me na parang naiinis na siya sa pinanggagagawa ko.
"What the hell is your problem?!" iritang sigaw niya sa akin. Wow! Ako pa ngayon ang may problema sa aming dalawa? Siya kaya 'tong may problema sa utak, sa heart, sa attitude, lahat!
Hindi ko na lang siya pinatulan at nagtimpi nalang kahit gustong-gusto ko na siyang patayin. Relax Sky, hanapin mo nalang ang singsing para matapos na ang lahat ng paghihirap mo.
Psst
Psst
Napalingon ako sa likuran ko. This time I'm sure na hindi si Ferrer ang nanloloko sa akin since nauna na siya sa akin. I gulped. Someone's hiding in one of the trees behind me. Binilisan ko ang paglakad ko.
"What's the problem?" Ferrer asked me. Umiling ako.
"Nothing," tipid na sagot ko. Aisssh, I'm silently hoping that it was just my imagination. Paranoid lang siguro ako eh.
Psst.
Psst.
"H-Hey, did you hear that?" I asked while looking behind. Lord! Sana tamaan ng kidlat ang gumagawa ng prank na ito! Hindi ako natatakot sa kanya bagkus ay naiinis na ako.
"Hear what?" Okay. Hindi niya narinig.
Napahinto ako nang maalala kong may cellphone pala ako. Aisssh, stupid. All this time I have my phone with me?! Mas mapapadali sana ang paghahanap namin kung dalawa ang phone.
Itinapat ko ang phone sa lupa at hinanap agad ang singsing. May nakita akong kumikinang malapit sa may paanan ko and napangiti ako ng malaman kung ano iyon.
"Renzo I found the-"
Bigla akong napasigaw when someone grabbed my hair. I dropped my phone. The one's pulling me covered my mouth.
"Lee?" I heard Ferrer shouted. I can't shout back because the guy's covering my mouth still. I'm sure it's a guy because of the smell. Anong ginagawa ng lalaking ito sa forest? He smells familiar and good!
I smirked secretly when I came into a crazy thought. I licked the guy's hand. The guy pulled away his hand immediately.
"s**t," he cursed under his breath. Wow! Ang bango niya and the scent is pretty familiar. Pati rin ang boses niya!
"Gross," I said. He was about to drag me pero sinipa ko na ang tiyan niya. He was so fast na hindi ko namalayang he was pulling my hair.
"Ouch!" I shouted because of pain. Ugh, of all my body parts, please not my hair!
Ferrer, where are you?
"f**k you!" I heard Ferrer's voice and he punched the guy. I can't stand up, namimilipit pa rin ako sa sakit. Hindi lumaban ang guy at tumakbo palayo sa amin. Familiar rin ang pigura ng katawan niya, sino siya?
"Sky!" he exclaimed while running towards me.
"Why are you always stupid? Next time you stick closer to me," sabi niya. Ilang beses na ba niya akong natawag na stupid?
"It would also be a stupid move to stick closer to you because you are danger itself," I said sarcastically. He smirked at me.
"I'm glad you know how dangerous I am btch," he said. Hindi na ako sumagot. This guy is fond of calling me names.
He knelt down and carried me in his back. Nagulat ako sa inasta niya. Is the demon gone? Why is he offering me his back?
Tahimik siyang naglalakad habang bitbit ako sa likuran niya. Pinaglaruan ko ang buhok niya at sumipol.
"I don't know na meron ka palang ganitong side," I said playfully. He stopped and ibinagsak ako sa lupa. What the hell?!
"You told me that I should try to act nice to you or else you tell everyone my secret," mahinahong sagot niya. Alam ko namang wala itong bait sa katawan niya eh, tsk.
"Let's go, I want to sleep," sabi niya at humikab. Napahikab tuloy ako. Inaantok na rin ako eh!
Tinignan ko ang singsing na nasa kamay ko ngayon. Why do you look so familiar? Bakit parang kakaiba ang kutob ko sa singsing na 'to?
"Ano pang tinutunganga mo diyan?!" inis na sigaw sa akin ni Renzo. I rolled my eyes at ibinalik sa loob ng bulsa ko ang singsing.
Jahara, you are not my friend, right? But why am I here protecting something you possess?
(end of chapter)