“This is... amazing.” Saktong papalubog na ang araw nang makarating kami sa roof top terrace ng Savage Hotels Manila. Akala ko noong una ay magtatrabaho lang kami sa pagpunta rito, kaya nabigla ako nang sa pangalawang pagkakataon ay nakarating ako sa ipinagmamalaki nitong lounge and restaurant. Kung noon ay nagpunta kami rito ng walang tao, ngayon naman ay occupied ang ibang tables. I could see not just the beautiful sunset but also the whole city of Manila from here. Now I wonder if he was also punished when he surprised me here back then. “You are amazing,” pagtatama ni Dax sa sinabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakaupo kami sa sofa ngayon at naabutan kong nakatitig siya sa mukha ko. Pakiramdam ko huminto ang oras sa paligid namin. Nawala ‘yung disappointment at pagod na dala-da

