Kabanata 12

3664 Words

Mula sa loob ng condo unit ko, dahan-dahan kaming napatingin ni Dax sa isa’t isa.  Napalunok ako bago ngumisi. Tumawa pa ako ng mahina para pagaanin ang sitwasyon pero nakita kong mas lumukot lang ang noo nito. “Nilooban ka ba?” Inilabas niya ang phone niya at may pamilyar na numerong pinindot dito bago itinapat sa tainga niya. Mukhang tatawag ito ng pulis kaya agad kong hinila ang braso niya para mapigilan. “Hindi! Nagmamadali kasi ako last time! Kaya ‘di na ako nakapagligpit dito!” pag amin ko at agad na pinulot ‘yung mga basurang nakakalat sa sahig at inilagay ito sa basurahan kong punong-puno na dahil hindi ko pa pala nailalabas. “Wait ka lang muna dyan!” sabi ko pa kay Dax nang tangkain niyang pumasok. Isinabay ko na ito sa pagpulot ng nakita kong underwear malapit sa pinto ng ban

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD