Bilang pasasalamat sa pagbabasa niyo hanggang dulo, ibinabahagi ko sa inyo ang espesyal na kabanatang ito. Maraming maraming salamat ulit sa pagmamahal at suporta niyo sa Hired to Be Yours. Magkita-kita tayo ulit sa susunod na nobela— Savage Series 2: Tamed to Be Yours. *** BULALUHAN Kakatapos lang ng meeting namin kaya nakahinga rin ako sa wakas. Sa dami ng mga napagusapan namin, para bang walang pumasok kahit isa sa isip ko. I just feel so exhausted. Balak kong hingin na lang ang minutes ni Richelle mamaya pagbalik namin ng Maynila. Sa ngayon ay gusto ko munang mapag-isa kaya naman naisipan kong maglakad-lakad. Sayang naman ang ganda ng Batangas kung sa loob na lang ako ng conference room mananatili magdamag. At dahil wala naman akong destinasyon, hindi ko na napansin pa kung saan

