I could feel the anxiety building up inside me. Halos paliparin ko ang sasakyan ko makarating lang agad sa Savage Enterprises. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ko na naman hahanapin si Dax pero desidido akong mahagilap siya kahit saang sulok pa ng mundo. Kung anu-anong bagay na naman kasi ang pumapasok sa isip ko ngayon dahil sa narinig. At alam kong para na akong martir sa pagiisip ng kung anu-ano ring dahilan para lang ma-justify ang pagungol ni Richelle sa kabilang linya. Kumikirot ang tyan ko. Naninikip din ang dibdib ko nang akyatin ko sa 25th floor si Dax. Just when I was expecting to catch them on act, wala namang tao sa palapag na ‘to. Kahit si Ms. Mabelle wala na rito. Hindi ko tuloy alam kung pumasok ba talaga si Dax gaya ng sinabi niya o nagsinungaling lang siya kaninan

