“So that’s it? That’s what you’ve prepared for us?” mataray na tanong ko kay Joaquin nang magpakita sa projector ang huling slide ng PowerPoint presentation niya. May anim na slides lang ito, ang una at pangalawa ay wala pang kinalaman sa marketing campaign. Mas magaling pa yatang mag-present ang estudyante kaysa sa kanya. “Yes Ma’am-” “Are you trying to follow the footsteps of our competitors?” Initsa ko sa lamesa ‘yung hawak kong folder na naglalaman ng summary ng report niya. Tuloy ay napasinghap si Inna dahil sa pagkagulat na hindi ko naman sadya. Tumingin na rin sa akin ang iba pang miyembro ng department namin dahil sa pagtataas ko ng boses. “Wala akong bagong nakita sa presentation mo. Puro copy paste lahat.” Hinimas ko ang sentido ko. “Ang bago sa report ko ay ‘yung commercial-”

