Ayokong makita si Veronica pero kumakalam na ang sikmura ko. Kaya si Dax na lang ang nagprisentang lumabas at kumuha ng makakain namin. Kaya lang mag-iisang oras na pero hindi pa rin siya bumabalik. Napaisip tuloy ako kung gaano kalayo ang kusina namin at natagalan siya. At dahil palagi nga akong nagaalala kapag nawawala siya ng matagal sa tabi ko, tumayo na ako at naglakas-loob na lang lumabas. Bahala na kung sino pang impakta ang makita ko. Tutal naman ay bahay naming ‘to. “Double shot!” naabutan kong sigaw ni Quinn habang may suot-suot na brief sa ulo. Kaninong brief kaya ito? Napatakip ako ng bibig pagkakita kay Dax sa gitna ng sala na pinapalibutan ng lahat! Pulang-pula ‘yung mukha niya at halos hindi maidilat ang mga mata. Nasa harapan niya ang mga kuya ko na mukhang gaya niya ay

