"PAANO BA naman ako magpapakita sa kanya? eh wala pang thirty minutes kaming nagkakabati, nag-away na naman kami." Sabi ni Madi sabay sandal sa pader. Nakahanda na siyang bumalik sa Rio's Finest. Actually, nakabihis na nga siya. Hindi lang siya makalakad dahil inuunahan na naman siya ng isang katerbang kaba. Kung hindi ba naman kasi siya isa't kalahating engot. Nagselos kasi siya nang biglang may lumapit na babae dito noong nag-uusap sila ni Vanni sa garden ng Skyland Hotel. Kaya hayun, nag-walk out siya at biglang nagyayang umuwi kahit na hindi pa tapos ang party. Inulan tuloy siya ng reklamo ng mga kasama niya. "Ayan ka na naman Maria Diwata ha? Nauunahan ka na naman ng pagka-nega mo!" sermon sa kanya ni Olay. "Eh... kasi naman eh..." pagmamaktol niyang parang bata. Pumapadyak pa siya

