Twenty

2201 Words
Sa ilang taon na hindi ko nakakasama si Papa ay ramdam ko pa rin ang awtoridad sa presinsya niya. Kahit hindi ito magsalita at nananatiling nagmamasid, pakiramdam ko ay sinasakal na ako sa kinauupoan ko. Nandito kami sa loob ng study room ni Papa, kaharap si Ate Althea at Kuya Fonso si Ate Astrid ay hindi sinasali sa mga ganitong usapan. "Aalis na ako... baka hinahanap na ako ni Ate Astrid," pagdadahilan ko. Lahat sila napatingin sa akin ng tumayo ako ganoon din si Papa. Wala itong reaksiyon nakatingin lang ito sa akin bago bumuntong-hininga. "Wala talagang modo!" Basag ni Mama sa katahimikan ng lahat. "Celeste, can you just shut up your mouth for a moment?" agad na nalukot ang mukha ni Mama sa sinabi nito bago tumingin sa akin. Ako na naman ang may kasalanan. "Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagsasawang kampihan iyang bastarda mo? Antonio, ilang taon na akong nagtitiis sa batang 'yan hindi ba pwedeng tama na? May iba pa ka pang anak hindi lang ang bastardang 'yan!" Napakagat-labi ako ng marinig 'yon. Ilang beses niya ng pinapamukha sa akin 'yon pero hanggang ngayon hindi pa rin ako masanay. Nakakatawa lang na simula pagkabata ko inaayawan niya na ako pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako na baka balang araw matanggap niya na ako. "I said shut up!" Lahat kami napapitlag ng ihagis ni Papa ang kopitang hawak niya. Nagkalat sa pader ang alak na iniinom niya at ang mga piraso ng baso sa sahig. "Huwag mong tawagin ng ganyan ang anak ko. Dahil kahit kailan hindi naging bastarda ang anak ko, Celeste. Ilang taon, Celeste... ilang taon mong sinasaktan ng ganito ang anak ko? Dinala ko siya noon dito sa pag-asang ikaw ang magsisilbing kapalit ng inang nawala sa kanya. Pero anong ginawa mo? Pinagsisihan ko lahat ng kasalanan ko sa'yo noon, kapalit ng mahalin mo ang anak ko gaya ng mga anak natin. Nagkamali ako alam ko 'yon at pinagsisisihan ko na pero hindi ang pagdating ni Ali sa buhay ko—" "Huh? Paano mo pagsisisihan ang isang bagay na gusto mo din? Siya ang bunga ng babaeng pinagpalit mo sa amin at mas malala minahal mo pa. Kung hindi nga yata namatay si Alicia baka iniwan mo na kami para sa kanila. Kaya ngayon mo sabihin kung paano ko siya mamahalin? Nagloko kana, naguwi ka pa ng ebidensya." "Ma.. Pa please, tapos ng lahat ng 'yon hindi ba pwedeng pag-usapan na lang natin 'to? " awat ni Ate sa dalawa. Pero dahil ayaw talaga sa akin ni Mama wala kaming walang lingon likod siyang lumabas ng silid. Sinundan siya ni Ate at ni Kuya Fonso. I feel like this family were falling apart because of me. Nang maiwan kami ni Papa ay agad siyang tumayo at akmang yayakapin ako, ngunit kusang humakbang paatras ang mga paa ko. Wala akong galit dahil alam kung lahat may dahilan kaya hindi ko siya masisisi kung naglihim siya. Pero kahit anong eksplinasyon pa ang mangyari isa lang ang kalalabasan... anak nya ako sa labas. "Im so sorry, mi princesa.." Kita ko ang unti-unting pagbagsak ng mga luha niya. Matigas si Papa kaya ang makita siyang ganito kahina sa harap ko ay hindi ako komportable. "Nagkamali akong ilihim ang lahat sa pag-aakalang magiging maayos din ang lahat. Patawarin mo si Papa.. mi princesita." I bite my lower as I wipe the tears that keeps on falling on my face. I tried so hard to be as tough as I can be but seeing my beloved family falling apart just because of that secret... its also breaks me. "Alam kung marami kayong dahilan, Papa. Pero sana inintindi niyo rin ang mararamdaman ng lahat ng mga taong una mong naging pamilya bago ako. Sana matuto ka ding buksan ang puso at mata mo sa mga bagay na dapat mong pahalagahan. Hindi lang ang kapangyarihan at kayamanan ang nagpapasaya ng buhay. Dahil ako nahanap ko ang kaligayahang hindi ko makita dito sa sinasabi mong basura kung buhay." Pikit mata ko siyang tinalikuran at nilagpasan. Narinig ko pa siyang humihikbi habang tinatawag ako pero kailangan niya 'to. Kailangan niyang malaman na hindi lahat ng bagay makukuha niya at mapapasunod sa gusto niya. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Kuya Fonso na nakasandal sa tabi ng pinto. Mapait akong napangiti bago siya lagpasan. Pero agad ding napahinto ng magsalita siya. "Hindi ka man galing kay Mama alam mong mahal ka namin..." Isang butil ng luha ang pumatak sa mata ko. "Ikaw ang nag-iisang makulit at matapang naming bunso. Hindi man kami malayang gawin lahat ng gusto namin, alam naming ikaw ang gagawa noon para sa amin. We may not say this always but we love you, baby. We just wanted you the best like Papa, so please forgive us if were so strict at you." Hindi ko na napigilang mapahagulhol habang naririnig ang mga salita ni Kuya. Naramdaman ko namang na niyakap niya ako at isang mga kamay naman ang nagpunas ng mga luha ko. Natawa pa ako ng makita din si Ateng hilam ng luha sa isang tabi. Madalas man kaming hindi magkasundo pero sa isang banda magkakapatid parin kami. Di man galing sa iisang sinapuponan pero mahal namin ang isa't isa. Sadyang hindi lang talaga ginawa ng diyos na magkakapareho sa lahat ng aspeto. Pagod akong bumangon ng maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Pakiramdam ko pa ay may nakamasid sa akin habang natutulog. Pagmulat ko ng mata ay dalawang pares ng mata ang nakatunghay sa akin. Bakas ang gulat at pagtataka sa mukha nila, pero ng ngumiti ako at nilahad ang dalawang kamay.. "Mama," isang ngiti ag pinakawalan ko ng tumalon siya sa kama para yakapin ako. Nagpasya akong umuwi kagabi. Nagbus ako papunta dito sa Tagaytay gusto ko sanang surprisahin ang dalawa, kaso pagdating ko ay sarado na ang bahay at tulog na sila. Mabuti nalang kilala ako ng mga gwardiya kaya nakapasok ako. "Good morning to you too, baby." "P—Paano ka nakaalis?" tanong ni North na mukhang nagugulohan pa. "Nagbus ako papunta dito. Alangan naman paano ako makakapunta dito 'di ba? Teka nagalmusal na ba kayo? Mag-aayos lang ako tapos magluluto—" Bago ko pa matapos ang mga gusto kung sabihin ay pinutol na ng mga labi ni North. Nanlalaki pa ang mga mata ko habang nakatingin sa kanyang nakapikit na. Nang akma ko na siyang itutulak dahil akala ko'y lalayo na siya ay bigla akong kinabig palapit sa kanya. Ang mga kamay kung nasa dibdib niya at nakahanda na siyang itulak palayo ay kusang tumigil doon. Pati ang mga matang nanlalaki sa pagkabigla kanina ay kusa na lang pumikit ng lumalalim pa ang halik na ginagawad niya. Ilang segundo kung ninamnam ang bawat hagod nito sa labi ko. Para itong isang masarap na inumin na unti-unting binubuhay ang buong pagkatao ko dahil sa sarap. "Thank god your home," bulong niya sa tapat ng labi ko. "Sobrang nag-alala ako sa'yo, alam mo ba 'yon?" Bago pa ako makasagot ay isang igik ang narinig naming dalawa. "Im happy that your both happy, but your squeezing me." Agad kaming naghiwalay dahil nasa gitna pa pala namin si Nari. Ito naman kasing si Norte makasunggab naman kasi akala mo okay kami. "Sorry baby... Papa was just excited to have your Mama back, Narissa" nagkibit balikat lang 'to bago bumaba ng kama. Nahiya naman ako ng maiwan kaming dalawa kaya dali-dali akong tumakbo sa banyo. Pero bago ko pa masara ang pinto ay isang malakas na halakhak ang narinig ko mula sa kanya. Nakakahiya ako! Nakaligo na ako pagbaba ko pero pakiramdam ko ang init pa rin ng mukha ko sa kahihiyan ko kanina. Iyong tipong nanghihina ka kasi lahat ng dugo mo sa katawan napunta na yata sa pisngi ko. "Having some thoughts?" "Tang'na!" halos mapatalon ako ng bumulong 'yon mula sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko ang tatlong isip bata sa likod ko na nakataas ang dalawang kamay at nakatingin sa hawak ko. "Sa susunod na gawin niyo pa'yan ipuputok ko na 'to," saad ko bago ibaba ang baril na kinuha ko pa kay Kuya bago ako umalis kagabi. We all have guns. Papa used to gave us guns when we reach our legal age for our safety. General to Senator is a long run for my Dad. When his running for Senatorial for the first time, me and Ate Astrid almost kidn*pped us but we managed to escaped. Doon ko unang nagamit ang survival skills na tinuro sa akin ni Papa. Simula din noon lahat ng skills na pwede naming pag-aralan ay pinagawa sa amin ni Papa at mas lalo din siyang naging mahigpit sa amin. "Sorry! Naexcite lang kami ng tawagan kami ni North na nandito ka na daw," maagap na sagot ni East ng makalapit sa akin. "Oo nga. Ayos ka lang ba? Nag-alala kami sa'yo." Napangiti ako sa sinabi ni West na tinitingnan pa ako ng maigi. "Ayos lang ako. Salamat sa pagbabantay sa kanila at sa pag-aalala." "Ali, ang pabayaan kayo ang tanging kaisa-isang bagay na huli naming gagawin. Sapat na ang nangyari noon," napanguso ako sa sinabi ni South. Ako na ayaw ng balikan ang nakaraan... sila na laging pinapaalala. "When are you nipapasakal with Mama?" napahinto ako sa tanong na 'yon ng nasa b****a kami papasok ng kumedor. Habang nasa likod ko ang tatlo na nagsisiksikan para lang makasilip. "Baby its papakasal." "It still sounds like, Papa." "Hindi ko pa alam anak. Hindi pa nga ako sinasagot ng Nanay mo 'e. Darating tayo diyan kapag napatunayan ko na ang sarili ko sa kanya at kapag handa na siya. I'll take time, Nari."  "Kailan  nga ba—aww!" Inirapan ko si West bago siya iniwan na sapo ang tiyan. Mabuti naman at alam niya. Dahil sa ngayon priority ko ang anak ko, gusto ko ng tahimik na buhay para sa kanya. Hindi gaya ng buhay na kinalakihan ko walang kalayaan at puno ng kasinungalingan. Maagang nakatulog si Nari sa pagod kakalaro sa mga isip bata niyang Ninong na hanggang ngayon ay nagpapakalango sa alak. Paglabas ko ay ang ingay na nilang apat nagpaluto kasi ako ng dagdag pulutan para sa kanila. "Woi, Ali Sali ka tulog na si Nari pwede ka ng pumarty," nakangising tawag ni West sa akin. Ang kulit talaga mapalasing man o hindi. "Oo nga Ali. Namiss ka naming kainuman, weak kaya 'to si Norte kaya ikaw nalang palit," dagdag pa ni South bago ako hinila paupo sa tabi niya. Pero bago pa siya makaupo sa tabi ko nahila na ni North ang upoan at ito ang umupo. Akala mo talaga ay malakas akong uminom 'e. "Possessive much!" napailing nalang ako sa kumento ni West bago kinuha ang inuming nakalaan para sa akin. Napapikit ako ng dumaloy ang mainit at maanghang na lasang ng alak sa lalamunan ko.  "Bantay sarado kala mo naman sinagot na siya," bubulong-bulong na wika ni South na umuupo sa tabi ko. "Pag kayo sinalvage ko dito sisigurohin kung hindi na kayo matatagpuan." At mukhang badtrip na po siya. Natawa pa ako ng seryosong magsign of the cross ang tatlo. "Tigilan niyo na yan at magsitulog na kayo. Aakyat na ako." Bilin ko bago tumayo. Narinig ko pang nag-aasaran ang apat at syempre three is to one ang labanan laging talo si North. Panigurado bukas mapapagastos 'yan ng malaki dahil talo na naman sa pustahan. Pagkadating ko sa kwarto ay naligo na ako. Saktong kakatapos ko lang mag-ayos ay may kumatok na sa pinto ko. Pagbukas ko ay ang mapupungay na mata ng tatlo ang nabungaran ko. Pinapagitnaan ni East at South si West na halos isampay na ng dalawa sa mga balikat nila. Mukhang lasing na lasing na nga sila dahil isang oras palang naman simula ng umakyat ako. "Anong problema niyong tatlo? Nandoon sa unahan ang kwarto niyo," kunot noo kung tanong sa kanila. Ngumisi si West bago lulugu-lugong kumaway sa akin. "Su—sunduin mo sa baba ang asawa mo. Hindi daw siya aakyat pag hindi ikaw ang nagsundo." Turo ni South sa likod bahay. "Tsk! Hayaan niyo siya doon kasama niya ang mga bodyguard niyo." Isasara ko na sana ang pinto pero pinigilan 'to ni East. "Minsan kaming mga lalaki kailangan din ng assurance.. Assurance na may pakialam kapa at may aasahan pa!" kunot noo kung tinitigan si East kasi hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Pero bago pa ako makapagtanong ay sumusuray-suray na silang naglakad. Isasara ko na sana ang pinto ng makitang nagkakagulo sa may gilid ng pool. Dali-dali akong tumakbo pababa dahil baka nalunod na si Norte. Mayayare ako sa mga fans nito pag nalamang ako ang may kasalanan. "Anong nangyari?" hinihingal ko pang tanong sa mga ito ng makalapit ako. Pero habang palapit ako ng palapit sa kanila ay isa-isa silang umaalis sa kumpol at naiwan ang isang anyo na nakatalikod sa akin at nakaharap sa swimming pool. Natampal ko ang noo ko ng marealize kung anong ginagawa ng walangya... Sumusuka si Norte sa swimming pool. Akala niya yata lababo ang pool namin at pinupuno ng suka niya. Umuklo ako sa tabi niya at tumingin siya sa akin bago ako nginitian. "Tang'na ka Northemio, lunurin kita kita d'yan 'e," hampas ko sa balikat niya. "Mahal din kita..." bulong niya bago ako yakapin at biglang sumuka. "Northemiooooo......"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD