"ATE pahiram ng suklay." "Nandiyan sa mesa ko kunin mo na lang." Sabi ko kay Jayana habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa cellphone ko. Naisipan kong humiga sa papag at bahagya kong kinawit ang ulo ko sa paanan. Hinayaan ko na rin na lumugay ang buhok ko sa sahig. Tumawa ako ng malakas nang makita kong hinahabol ni chucky ang mga taong 'yon. Mahilig kasi ako sa mga pranks at gags. "Ano 'yan? Baka naman mapunta 'yang dugo mo sa utak mo ate." Sabi ng kapatid ko. "Hindi naman ako nakabaliktad eh." Sabi ko kay Jayana saka muling tumawa ng malakas sa pinapanood ko. "Ate alam mo ba naloka ako sa nangyari kagabi." Natigilan ako sa sinabi ni Jayana, dahan-dahan akong tumingin sakanya habang nakataas pa rin ang cellphone ko. "Bakit? Ano bang nangyari?" Kinakabahan

