Trevor Pov "ANO ba kasing sinabi mo at sinuntok ka?" Padabog na nilapag ko ang alcohol pagkatapos ay hinawakan ko ng madiin ang jawline ko. Pakiramdam ko bumaliko ang mukha ko sa suntok nang babaeng 'yon ah. "One night stand wasn't enough for her. Mukhang 'yon ang nag-trigger ng galit ni Tracey. Ini-expect ko pa naman sasampalin ka lang niya eh." I glared at Dale. "Nandoon ka?!" Ngumisi lang siya sakin saka tinaas ang kanang kamay na may hawak na whiskey. "Tinatawagan kasi kita hindi ka naman sumasagot, kaya pumunta na lang ako sa school mo. Imagine my face when I saw---- "Shut up." Madiing putol ko sakanya saka ko kinapa ang ilalim ng mata ko. Napamura ako ng mahina nang kumirot 'yon. "So.... you mean." Ani Rusty at tinuro ako. "....ikaw at si Tracey an---

