TWO WEEKS LATER... "f**k!" Naiiling na sumandal lang ako sa sofa nang marinig ko ang pagmumura ni Sander, galit na sinipa niya pa ang trash can sa gilid. Lumipad 'yon at tumama sa gilid ng mukha ni Vien ang basurahan. "Aray! Gago naman 'to si Sander 'yung mukha ko!" Nakangiwing sabi niya, hinimas niya pa ang mukha niya habang nakatingin kay Sander. ".....alam mo naman na bukod sa katawan ko ito rin ang hinahabol sakin ng mga kababaihan eh." Sabi pa niya, kinuha pa talaga niya ang salamin sa gilid saka tumingin doon. "So, what do we do now?!" Galit pa rin na sabi ni Sander, nag-indian sit naman ako saka ko siya tiningala. "May party ball sila sa huwebes for charity. Pupunta si Mr. Villaluna doon kasama nila Apad." Sabi ko sakanya, natigilan naman siya at bina

