Chapter One

1169 Words
"WHAT?! Anak naman ng tokwa d**k eh, alam mo bang muntikan pa 'kong mahuli diyan?” Nakangising tinaas lang ni d**k ang mga paa niya sa lamesa at tinignan ako.   "Good, dahil mas lalong wala kang makukuha sakin." Sabi niya saka inatras ang cellphone ko. Nagpantay naman ang labi ko sakanya.   "Masyadong abrupt ang video, hindi ako satisfied kahit pa humarap siya sayo. Alam mo naman na dalawa ang target mo 'diba? Bakit hindi mo nakuhanan ang mukha ng kasama niya?" Sabi niya pa sakin, pairap na kinuha ko ang cellphone ko saka ko tinignan ang naka-pause na image. Malabo nga ang kuha.   "Kasi naman eh, bigla akong nahuli." Sabi ko kay d**k saka naiinis na binura ko ang video na 'yon. Tinignan ko ang kaharap ko, umayos siya ng upo at saka niya tinukod ang dalawang siko sa lamesa at nakangiting tiningala ako.   "So what now? Kailangan mo uling bumalik sa umpisa. Sige ka, marami pa namang nakalinya sakin ngayon baka sa iba ko ibigay 'to. At mas malalaki pa ang mga patong sa ulo." Nakangising sabi niya, napaismid ako.   "Dick." I mumble.   "That's why I curse my father for gaving me that name." Natatawang sabi niya. Inirapan ko siya saka ako tumalikod, padabog pa na sinara ko ang pinto ng office niya.   "Thank you!" Sigaw niya mula sa loob.   “Hmmm! Bwisit talaga!" Gigil na bulong ko habang tinatahak ang pasilyo ng Clemente International Company. Nang dumaan ako sa lamesa ng sekretarya niya ay nakasalubong ko si sir Anthon.   "Anong ginagawa mo dito iha?" Mabait ang bukas na mukhang tanong niya, ngumiti ako sakanya saka ako nagmano.   "Pinuntuhan ko po si Dick." Sabi ko. Natawa lang siya ng mahina.   "Dickson for correction. Alam mo naman na halos isuka na 'ko ng anak ko dahil sa pangalang binigay ko sakanya." Natatawang sabi niya.   "Like what he said..." Sabi ko na lang,   "Oh sige, dito muna ako ha? May mahalaga kasi kaming pag-uusapan ng pinsan mo." Sabi niya, nakangiting tumango lang ako. Nang lagpasan na 'ko ni tito ay dumeretso ako sa lamesa ng sekretary ni Dickson.   "Katya 'yung bag?" Tanong ko.   "Oh, wait." Sabi niya saka may kinuha sa paanan niya.   “Salamat." Nakangiting sabi ko sakanya saka ko kinuha ang bag ko.   "Saan saan ka na naman natutulog babae ka.." Pahabol ni Katya. Binalingan ko siya at kinindatan pagkuway tumalikod na ako at dumeretso sa elevator. Nang makababa na ang elevator sa ground floor ay dali-dali na 'kong nagtungo sa fire exit door karugtong sa may parking lot area. Kinuha ko ang susi ko nang makalapit na 'ko sa van ko.   "Kung se-swertehin ka nga naman oh.." Naiinis pa rin na bulong ko nang makapasok ako sa van ko. Kinuha ko mula sa bulsa ko ang cellphone ko saka 'yon tinignan.   "Bakit ba naman kasi hindi mo inayos ang pagkuha mo?!" Inis na sabi ko sa cellphone ko saka 'yon tinapon sa dashboard. Nababagot na kinuha ko mula sa backseat ang uniform ko saka 'yon sinuot. Tinirintas ko rin ang may kahabaan kong buhok saka ko sinuot ang malaking salamin na wala namang grado.   'It's time to school now.... mukhang hindi pa 'ko makakaalis sa school na 'yan dahil sa bwisit na unfinish business na 'yan.'   I took a deep breath as I started the engine. Sa loob ng halos limang taon hindi pa 'ko nagkakamali sa bawat target ko. Lahat 'yon satisfied si d**k, pero ngayon. Ngayon lang talaga ako nagkamali ng pagkuha! I want everything to be perfect, 'yung tipong isang trabaho na lang tapos TAPOS na then start to another target.   'Dibale, marami pang paraan para masundan ko 'yung lalaking 'yon.'   Nang makarating na 'ko sa university ay agad kong pinarada ang van ko sa harap ng school. Kinuha ko ang susi ko na nakasuksuk sa keyhole pagkuway bumaba ng van. Nakita ko na naman ang maiinit na mata ng mga studyante.   "Panahon pa ng lolo mo 'yang van mo no?" Nakangising sabi ni Brenda pagkuway nagtawanan ang mga kasamahan niya. Isa siyang member ng cheerleader squad, isa rin siyang muse sa campus kaya sikat si gaga. Samantalang puro mukha lang naman ang panlaban, walang utak.   "Oo, parang mukha mo." Pang-iinis ko sakanya saka ko sila nilagpasan. Narinig ko ang tawanan ng mga kasama niya, siguradong hiyang-hiya si gaga. Tinapat ko ang I.D ko sa machine pagkuway dumeretso na 'ko ng pasok sa loob. Nakita ko ang ilang studyanteng nagkalat sa buong unibersidad, iba't-ibang mukha, iba't-ibang ugali, iba't-ibang amoy haha!   Natigilan ako nang makita ko si Nicky kasama ng ilan naming classmate.   "Nicky!" Tawag ko sakanya, bumaling naman siya sa direksyon ko. Akala ko ay papansin niya 'ko pero inalis niya lang ang tingin sakin saka sila dere-deretso sa paglakad. Umirap lang ako sa hangin.   "Talaga 'tong babaeng 'to..." Bulong ko saka ako nag-iba ng hagdan papunta sa malaking board sa gilid. May announcement kasi na nakalagay, baka mamaya may pa-contest 'tong school namin aba pera din 'yon. Nang tumingin ako ay wala naman akong nakita maliban sa ilang field lang naman na gagawin which I find it boring. Naramdaman ko naman ang ilang studyante na tumabi sakin. Tingin ko ay puro kalalakihan dahil nanuot sa pang-amoy ko ang matapang na pabangong gamit nila.   "s**t Trevor look at this. May camp tayo oh..."   Natigilan ako sa pangalang binanggit ng isa. Pasimple akong yumuko at sinilip ang lalaking 'yon na katabi ko na pala. Nakatutok ang mata niya sa board habang nakapamulsa.   's**t naman talaga...'   Pasimple akong umatras at nilagpasan sila.   "It would be exciting kung isasama mo Tanya ano Trevor?" Narinig kong sabi ng kaibigan niya. Triumph written on my lips, pasimple akong tumigil at pinakinggan sila.   "I broke up with her." Sabi nung Trevor.   "Why? She's a good catch man."   "Masyado siyang maingay, alam mo ba kung hindi dahil sakanya naabutan ko na sana ang hayop na stalker na 'yon."   Nanlaki ang mata ko. 'Ako ba yon? Stalker?!'   "She pulled my hand and wanted to continue it. Hindi niya alam na may pinapangalagaan akong imahe."   Napaismid ako. 'Imahe daw eh.... kwento nito.’   "Yeah but-----Hey! Nakikinig ka ba sa usapan namin?"   Natigilan ako nang marinig ko 'yon.   's**t ako ba 'yung tinutukoy niya?'   Pasimple akong lumunok at saka humakbang.   "Sandali lang.."   Hindi naman ako tumigil sa paghakbang.   "Humarap ka nga sakin.." Sabi pa ng boses na 'yon sa likuran ko. Huminto naman ako at pasimpleng lumunok.   'Kapag nagtuloy ako sa paglalakad baka kung anong isipin niya.’   Dahan-dahan naman akong humarap sakanila. Nakita kong nakatuon ang mata nila sakin.   "A-ano po 'yon..." Mukhang nakakaawang sabi ko. Tinitigan naman ako ng Trevor na 'yon.     "Nakikinig kaba sa usapan namin miss?" Tanong sakin ng kaibigan niya. Umiling naman ako.   "H-hindi ho.." Sabi ko pa, nakita kong nanliit ang mata ng Trevor na 'yon.   "Namumukhaan kita.." Sabi niya sakin. Natigilan naman ako, bago ko pa mahulaan ang gagawin niya ay inisang hakbang na niya ang pagitan namin at hinablot ang salamin ko. Tarantang kumaripas naman ako ng takbo.   "Hoy bumalik ka dito!"   'Bwisit naman talaga! bwisit!'  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD