"ANG panget naman ng password mo dito baby. Tracey06." Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang sinabi ni Trevor, binitawan ko ang cellphone ko sa bedside table pagkuway umupo sa kama at sinilip ang ginagawa ni Trevor. Nagsalubong ang kilay ko habang nakatingin sa screen ng laptop niya. "Hoy! f*******: ko 'yan!" Sabi ko saka akmang hahawakan ko ang laptop niya nang bigla niyang ilayo 'yon sakin. Tumihaya siya sa kama. "Bakit ba? Sinisilip ko lang naman ah?" Natatawang sabi niya, napaupo naman ako sa kama at sinamaan siya ng tingin. "Paano mo nalaman 'yong password niyan?" Tanong ko sakanya, natatawang dumapa uli siya sa kama, nilapag niya ang laptop sa kabilang gilid niya. "Tracey Agatha Marcelino, born June 20, 1995.... work at Krusty Krab hahahaha!" Tawa niya habang bi

