"BAKIT kasi bawal ang lalaki dito." Nakangising binalingan ko ang nagmumukmuk na si Trevor, nakasimangot siya habang nakahawak sa bag. Naiiling na pinasok ko na ang tatlong piraso ng peanut sa plastic bag saka ko inabot sakanya. "Oh 'yan, alis na." Pagtataboy ko sakanya saka ako tumalikod. "Hey baby, saan tayo magkikita?" Umikot ang mata ko sa hangin saka ko siya binalingan. "Bukas sa school. Huwag mo na 'kong sunduin, na-miss ko 'yung van ko eh." Sabi ko sakanya saka ako muling tumalikod. "Ako? Hindi mo man lang ako----Hey Tracey! Oh great." Hindi ko kasi siya pinakinggan, pumasok na agad ako sa building. Tahimik na nagtungo ako sa may kalumaan ng elevator. Nang bumukas 'yon ay pumasok agad ako saka ko pinindot ang 2nd floor. Napabuga ako ng hangin. 'Nandit

