Chapter 10 TAPOS NA kaming kumain ni Angelo. Andito parin kami ngayon sa park. Tumitingin kami ng mga nagkakantahan. Mga band na nag-peperform. Nakkikisabay narin ako sa bawat tugtug nila kasama si Angelo. Nakikikanta narin ako. Sabay sa mga kinakanta rin ng mga bands. Ang ganda kasi ng mga kinakanta nila. Merong love song na pop, meron ding rock na pop at meron ding OPM. Hanggang sa matapos na ay umalis na kami doon ni Angelo. Pumunta kami sa isang ice cream bender. Na miss ko narin ang dirty ice cream eh. Kaya bibili narin ako. “Tara, bili tayo ng dirty ice cream, anong gusto mong flavor?”tanong ko kay Angelo na naka tayo lang ngayon sa katabi ng isang puno. “Chocolate flavor na lang sa akin,”sagot niyang naka ngiti. Kaya naman agad akong pumunta sa nagtitinda ng ice cream. “Manong

