ARNMP: 12 ( Saan ang true parents ko? ) Ena POV: Hindi ko na matiis kaya lumabas ako sa pinag-kukublian ko kanina. “Sino ang ampon?”taka kong tanong kina mama at papa. Gulat na gulat naman sila nang makita ako. “A-anak? Ka-kanina ka pa ba diyan? Na-narinig mo ba ang la-lahat?”takang tanong ni mama sa akin na parang kinakabahan. “Hindi naman po lahat ma. Pero narinig ko na may ampon kayo? At sino sa amin ni Mesy ang ampon ma?”tanong ko parin kahit kinakabahan ako sa maaaring sabihin nila mama at papa. Pero handa akong .makinig sa kanila. At maiintindihan ko naman sila. Dahil mahal na mahal ko sila. Nagtitigan silang dalawa. Bago ulit nila akong tingnan. “A-anak. Amm. Wa-wala 'yun. Wag m-mo nang i-inti-tindihin i-yon. I-iba ang pinag-u-uusapan namin ng ta-tatay mo.”utal na utal na sa

