Chapter 44 LUMABAS NA AKO ng room namin. Dala-dala ko ang mga kakailangin mamaya sa hang-out namin. Naglalakad ako pabalik sa cottage nang biglang may tumawag sa akin. Paglingon ko sa likuran ko. Isang lalaki. Na ngunot ang noo ko. "Ena right?"tanong nya sa akin. Gwapo rin naman sya at mukhang mayaman rin. "Yes, ako nga. Ryan di ba?"tanong ko rin sa kanya. "Yes! Ryan Cruz."naka ngiti nyang sabi sa akin. "Sige, mauna na ako."paalam ko na sa kanya nang bigla na lamang nya akong pigilan. "Mag-usap muna tayo. I want to know each other. Kung okay lang? Parang okay lang naman sa asawa mo, wala naman sya rito?"napa kunot ang noo ko sa sinabi nya. Wala naman sigurong masama kung papayag akong makipag-usap sa kanya? Know each other lang naman. Na curious rin naman ako sa pagka-tao nya.

