KAHIT nag-aalimpuyo sa sakit ang kalooban, dahil sa pinag-sama-samang narinig at nasaksihan na mga pangyayari, ay pinili ni Zia na huwag magkomento sa sinabi ni Lucifer. She still want to give Lucian the benefit of the doubt. Nais niyang sa mismong bibig nito marinig ang katotohanan. Kahit masakit ay tatanggapin niya. Tutal sabi naman ni Lucifer ay kaya nitong gawin na makalimutan niya ang lahat ng mga nangyari, pati na rin ang pagdating ni Lucian sa buhay niya. Ganoon na lang siguro ang gagawin niya, kung sakali. Huminga ng malalim si Zia, at mariing lumunok. Nais niyang alisin ang tila bikig sa kanyang lalamunan, upang maiwasan ang pagkabasag ng kanyang tinig kapag nagsalita siya. Alam niya kung gaano katuso ang kanyang kaharap. Kaya't hindi siya maaaring magpakita ng kahinaan dito.

