NANLULUMONG napabuntong-hininga na lamang si Lucian sa akusasyon ng nobya. "Baby, that scene did not happen." Hindi niya alam kung papaano ito mapapaniwala sa sinasabi niya, gayong nakita mismo ng mga mata nito ang mga pangyayari, ngunit sa puntong iyon ay kailangang magtiwala ito sa kanya. Iyon lamang ang maaari nitong panghawakan. Ang magtiwala ito na hindi siya magsisinungaling dito tungkol sa mga ganoong bagay. Katulad ng inaasahan niya ay tiningnan siya nito ng tinging hindi ito naniniwala sa sinasabi niya. "I was there... watching you. Tapos sasabihin mo na hindi totoo? Paano mo ipaliliwanag ang mga nakita ko? Natin?" "Baby, I happened to be the son of the devil, remember? My father can make, even the imposible, happen. Kaya niyang baligtarin ang kahit na ano, para pumabor sa kan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


