Tumiim ang mga bagang ni Lucian nang pagpasok niya sa komedor ng palasyo, ay makita roon ang nobya na nakaupo sa kaliwang bahagi ng hapag. Naka-freeze ang dalaga, na alam niyang kagagawan ng kanyang ama, kaya't hindi nito alam ang presensya niya sa mahabang hapag na iyon. Sa kanan ng ama, ay naroon at nakaupo si Lucid. Ni hindi ito lumingon sa kanya nang dumating siya, bagaman alam niya na naramdaman nito ang kanyang pagdating. Nananatili lamang nakatuon sa baso ng alak sa harapan nito ang mga mata nito, na animo ba mas interesante pa iyon kaysa sa kanya. Umangat ang gilid ng labi, at napailing na lamang si Lucian. Iminuwestra ni Lucifer na maupo siya sa kabilang bahagi ng hapag. Sa kabisera, sa kaibayo nito. Tila siniguro na hindi siya makalalapit man lang sa kanyang nobya. Tumiim ang

