HINDI namamalayan ni Zia ang isang butil na luha na pumatak sa kanyang mata, habang nakatingin sa dalawang nilalang na katatapos lamang na magtalik sa kanilang harapan. Hanggang sa ang isa ay maging dalawa, hanggang maging tatlo, at maya-maya pa ay hindi niya na maampat ang pagtulo ng mga iyon. Sunod-sunod na ang pagdaloy ng masagang luha sa kanyang mga pisngi. "Bakit ka lumuluha, mortal?" Mabilis niya iyong pinalis nang marinig ang marahas na tinig ni Lucifer sa kanyang tabi. Tiim ang mga bagang nito habang sa dalawang nilalang din sa kanilang harapan nakatuon ang nagbabagang mga mata. Bahagyang mahigpit din ang kapit nito sa kamay niyang hawak pa rin nito. Bahagyang nangunot ang noo ni Zia at pasimple itong nilingon. Kanina lamang ay napaka-lamyos ng tinig nito. Malayong-malayo sa ti

