NOCES DB3: Vast Darkness

2673 Words
AQUAMARINE TANYA POV (POISON TRICKER GODDESS) Pinanuod kong maglakas si Kimberly papalayo samin, alam kong hindi siya tutol sa relasyon naming ni Caleb pero hindi rin siya boto dito. I know her very well…those eyes scream darkness, pain, agony… “Baby…are you okay?” agad akong napalingon kay Caleb at natawa sa naging tanong niya. He is asking me not for himself, hindi ba niya alam kung gaano ka delikado ang buhay niya kay Kimberly? “I am fine, baby. By the way, susundan ko na si Kimberly, Goodnight baby…” I answered back and kiss him on his cheeks. Hindi ko na hinintay ang reaksyon niya, naglakad na ako papalayo sakanila. “Goodness! Sa susunod nga huwag kayong mag PDA sa harap namin. Get a room! Nakakayamot!” lihim akong napatawa sa pagmamaktol ni Jacob, I knew them since nagbakasyon ako sa Barcelona, nandoon din sila for some business trip with Kayden. Doon kami nagkakilala, sa isang tech expo/seminar na dinaluhan ko for additional credentials for my portfolio. We have the same background related to technical skills, hacking/decoding codes, malwares etc. Nothing exciting happens, simple expo/seminar, akala ko isa siya sa magiging past time lover ko pero hindi ganon. He is different, it’s like I met my twin flame. May something saming dalawa na hindi ko maipaliwanag, para bang iba siya sa mga lalaki na naging kasintahan ko noon. That was last January 2020, 1 year and 7 months na kami this month since nasa mid na ng July kami nakahanap ng bagong school. We never met since then, more on videocalls and text kami dahil narin sa busy schedule and oversees travels siya. Last week ko lang nalaman na nasa Manila na ulit siya, kaya doon na kami nagpasya na magkita muli. Actually, kahapon niya lang nalaman na iisang school pala kami na pinapasukan. Goodness! Finally! Makakasama ko narin siya ng mas matagal kesa sa dati. Narating ko ang building namin nang matanaw ko ang commotion sa hindi kalayuan, students were scattered muttering words and all of them were confused and scared. Tinakbo ko at nakisiksik sa nasabing kumpol ng hindi ko inaasahan ang aking nakita… ‘WELCOME TO YOUR DEATH…’ Nakasulat iyon gamit ang pulang tinta na ayon sa pagkaka examine ko ay totoong dugo ng tao habang sa gilid ay nakabitin ang pugot na ulo ng hindi makilalang babae, base nadin sa haba ng buhok noon. I muttered curses inside my head, f**k…Who did this? Akala ko ba hindi pwede ang pagpatay dito? What’s the meaning of this? Tahimik akong umatras ng malamig na kamay ang humawak sa braso ko. Agad akong naalerto at mabilis ko itong nilingon ng makitang si Amethyst iyon ay kumalma na agad ako. “I am wondering who’s behind of this mess…” tinapik ako ni Sapphire at ngumiti, she can’t taste those blood since it’s already dried. “Ang OA naman ng welcome message satin. Wala bang mas bongga dyn? Like duhh, ulo lang! Try nila dagdagan ng internal organs para may mas thrill tapos isama nadin nila ung other parts pero dapat naka chopped na and then we will be the one to identify which part of the body is it. Diba? Sus, napaka hinang nilalang! Hahaha!” natatawa kong nilingon si Perlas sa gilid ko na nakangisi, pero alam kong hindi iyon ngisi ng natutuwa. She is pissed. “Not bad for our first day.” Sabay naming nilingon si Kimberly na tahimik na naka masid sa nasabing pader. “Excuse us! Students! Padain niyo ang Dean!” mabilis na nahawi ang mga kumpol ng students, nilipat din namin ang tingin sa mga school administrators at si Dean bagong dating. “All students get back to your dorms now!” sigaw ni Xyla na nagpakaba sa mga students, mabilisan nagpulasan ang mga ito. Nagkibit balikat nalang kami at sumunod sa mga students na nagsipag balikan sa kani-kanilang dorms. CITRINE AGATHA POV (GUN PUNISHER GODDESS) Nagpahuli ako ng paglalakad, may something akong hindi maipaliwanag nang makita ko ung naka sulat sa pader. I wonder why…tanaw ang lima sa unahan, hindi ko mawari kung ano ba kakahinatnan namin sa lugar na ito. Dala narin ng pag iisip, napansin ko ang isang anino pagkalagpas sa hall way sa gawing kaliwa ko na mabilis na tumakbo na parang nagmamadali. Agad akong umiba ng daan at tinahak ang pwesto ng nasabing anino. Patuloy ako sa paglalakad ng marating ko ang dulong bahagi ng pasilyo. Nakakabinging katahimikan ang naulinigan ko sa parteng ito, a hollow part in my stomach sends shiver to my spine. Yung tipong sa sobrang tahimik hindi mo mawari ang kapahamakang hatid noon. Napalingon ako sa pinto ng may kumalabog doon na bumasag sa katahimikan ng lugar. I alerted myself ready to take action whoever is inside in that room. I grab my SIG Sauer’s P230 9mm pistol gun on my back, it measures 8 inches overall barrel length of 4.7 inches, making it one of the smallest on the list of guns. I always carrying this hand gun for safety purposes and emergency cases. Itinutok ko ang aking baril sa harap ng nasabing pintuan. Dahan dahan kong hinawakan ang doorknob saka unti unting pinihit iyon pabukas, dahan dahan akong pumasok ng may maramdaman akong presensya sa likuran ko. In a swift move I perform spinning back kick, I immediate stepped forward my right foot and lift my knee to my chest and drive my heel to my foot straight back towards to my opponent as I aim the side of his head. After hitting him I quickly resume my defense stance in order to prepare my next move, I looked at him while still lying on the ground, he didn’t anticipate it as he tumbles and endures my sudden attacked. “Who the hell are you?!” I asked. Dahan dahan akong lumabas sa pinasukan without lowering my guard. He just smirked while holding his nape. “You must be the transferee…” Mabilis na nakuha ng atensyon ko ang dugo sa tagiliran nito, kumot ang noo ko. Dahan dahan itong tumayo at hinarap ako, tila balewala ang tama niya na nasa tagiliran. Nakakunot itong nakatitig sakin saka umiling na tila dismayadong dismayado sa nakikita. “You need to go now. It’s not safe here. You might get killed.” Inilagay nito ang kamay sa bulsa at naglakad papalayo na parang walang nangyari. Gusto kong matawa sa sinabi niya, sino kaya ang malapit ng mamatay saming dalawa sa lagay niya? Alam kong hindi basta mababaw ang sugat na nasa tagiliran niya, ilang minuto na hindi siya magamot ay pwede niyang ikasawi. Mula sa kinatatayuan ay dahan dahan kong ibinaba ang aking baril habang tinatanaw ang pagkawala ng lalaking nakaharap. Who is he? Anong lihim ang mayroon sa eskwelahan na ito? *BLAG* Mabilis kong tinakbo ang distansya namin saka mabilisang inislide ang sarili sa sahig upang masalo ito, lihim akong napamura ng kitang kita ko ang pag slow motion ng pagbagsak niya. “Damn…” hawak hawak ang ulo niya gamit ang palad ko, mabuti at nasalo ko ito sa tamang oras. Ilang mura ang nasabi ko bago inihilig ang kalahati ng katawan niya sa legs ko. Fvck! Puro nako dugo, hindi naman ako si Sap-sap na mahilig sa dugo! Mahirap mag laba! Mabilis kong kinapa ang cellphone sa bulsa at denial ang number ni Amethyst. “Oh yes Citrine beybeh?” gusto kong kutusan ang sarili ko ng marinig ko ang boses ni Perlas, muli kong sinilip para ma kumpira kung nagkamali ba ako ng tinawagan na number. “You didn’t dial the wrong number Cit! Pinaglalaruan ni Perlas ung cellphone ko!” hiyaw ni Amethyst na alam kong nasa tabi lang ni Perlas. Napa iling ako pero wala nakong oras para makipag talo, maaring mamatay ang lalaking ito kung hindi maagapan. Mauubusan siya ng dugo! “Call an ambulance! Track my cellphone now to know my location and inform Diamond! This is urgent Pearl Arah, might do what I am saying NOW!” rinig ko ang kalabog ng pintuan hudyat na sinunod na ang utos ko. Mas lalo kong diniinan ang tagiliran ng lalaking ito para mapigilan ang pag agos lalo ng dugo. Sa sitwasyon nito ngayon ay ilang minuto nalang ay maari na itong mamatay! Fvck! Paano ako na involved sa ganitong pangyayari?! “Ughh…” mabilis ko itong tinignan, bakas na bakas sa mukha niya ang sakit na nararamdaman dala ng tama niya. Ngayon ko lang napagtanto na may hitsura pala itong lalaking ito kumpara sa mga nakita ko dito sa school na ito. Siguro kung iba ang makakakita, malamang sasabihin na gwapo ito. Hindi ko lang masabi dahil hindi ko pa nalalaman ang pag uugali niya. Para kasi sakin ang pagiging gwapo ay dapat kasama din ang pag-uugali hindi lang dahil sa hitsura. “Whoever you are mister…Hold-on tumawag nako ng tulong.” I murmured as I heard footsteps from afar. Alam kong sila na iyon, bukod pa doon hindi lang sila iisa, mariin kong pinakinggan ang mga yabag at boses, may lalaki? Hindi naman mukhang medics iyong boses. Hindi na iyon mahalaga kaya pinagsawalang bahala ko nalang iyon at tinignang muli itong lalaking nakahiga sa legs ko. “Sebastian!” napatingin ako sa pinanggalingan ng hiyaw na iyon. Mabilis na dumalo ang isang lalaki na sa tingin ko’y kaibigan nito. “MEDIC! CALL THE MEDIC!!” Sinilip ko ang mga nasa likuran nito at natanaw ko sila Diamond na papunta na sa gawi namin. “Miss, thank you for saving him.” I nod unknowingly. Ano ba ang dapat kong sabihin? Welcome? Tch… “Citrine?! Are you okay?” nag-aalalang lumuhod sakin si Sap-sap na agad akong chineck kung may tama o wala. “Wala akong ano mang sugat Sapphire, mas importante ang kalagayan ngayon ng lalaking ito. Maari niyang ikamatay kapag hindi pa siya nadala sa hospital at nauubusan nadin siya ng dugo.” Sagot ko. She nodded and looked beside her, inirapan niya ang lalaking katabi bago tumayo at nilapitan si Aquamarine. “Kaibigan mo ba iyon? Sus! Napaka taray! Kung maka irap akala mo may ginawa ako sakanya!” hindi ko nalang pinansin ang pagbulong bulong niya. Mataray naman talaga si Sap-sap, ano bang bago doon? “K-kayden…” hirap na hirap niyang inabot ang kaharap. Agad na dinaluhan nito ang kamay niya. “T-take me to our dorm and stop this commotion, call the doctor and bring him to our place. I-I need to discuss important things to L…” He muttered and loss his consciousness. Sht! At saktong dumating ang medics at agad na nilatag ang stretcher upang doon ito ilipat. Nilapitan din naman ako ng ibang medic staff pero sinenyasan ko na ayos lang ako at walang ano mang galos sa katawan. Naglahad ng kamay yung Kayden but I refuse to accept his hand at tumayo ng magisa. “Snob!” I didn’t mind his words and continue to walk to Perlas at hinawakan ito sa balikat. “What happen?” she asked and look to the guy I saved from, nilingon ko iyon at tinanaw ang pag alis nila sa kinalalagyan namin. “s**t happens.” I smiled and answered back. She twitched her lips and nod. “Can we invite you to our dorm for further questions on what happen here?” tinaasan ko ng kilay ang lalaking kaharap. He’s personality is similar from Diamond. Everything on him screams abomination. “There’s nothing happen here. She just saved your friend’s ass.” Napalingon kaming lahat kay Diamond na papalapit palang sa kina pwe-pwestuhan namin. “Diamond it’s okay. I have nothing to hide besides you’re right, I save their friend’s ass.” Sagot ko. They all look at me with disgust and disbelief. Ooopss…did I hit their asshole button? Tch. How cliché. “We can do it tomorrow morning, L. Not now, masdo nang maraming nangyari ngayong gabi at nakaka kuha nadin tayo ng atensyon mula sa ibang students. Bukod pa doon, masdo nading late para sa ano mang itatanong natin sakanya.” A man besides, L, whatever his name, commented. “Tama si Caleb. Diamond? Citrine? Girls, let’s call it for tonight. Might as well na asikasuhin muna ang kalagayan ni Seb ngayong gabi bago mag investigate, we didn’t know if his condition is stable.” Aquamarine said. So…Caleb pala ang pangalan ng lalaking nag suggest, I agree. Pagod nadin ako and masdong madaming katanungan sa isip ko ngayon. I look at Aquamarine and she knows it already; she gave me signal para makaalis na sa lugar na iyon. “We’ll meet tomorrow, Miss.” Dagdag nung Caleb ba iyon. I ignored him and walk away. Fvck! Kailangan ko munang maligo! “I love the smell of blood…” inakbayan ako ni Sap-sap at nginitian, nagpatiuna kaming dalawa sa paglalakad pabalik sa dorm. Like what I’ve said, ayoko sa amoy ng dugo bukod pa doon mahirap tanggalin ang mantsa nito sa damit! “Dapat palit tayo ng sitwasyon eh, ikaw sana ung nakakita sa lalaking iyon. Malamang baka hanggang ngayon nag e-enjoy kapa sa dugo na nakikita sakanya.” I replied back. She smiles widely and flip her hair. “I know right, let’s talk this on our dorm.” Balik na sagot niya sakin, hindi nako umimik pa. Miski sila ay naguguluhan sa mga nangyari ganoon din naman ako, sino bang hindi? Firstly, yung pagpatay kanina, it’s kind of oh well…childish. Papatay ka ng ganon at magbabanta ka ng Welcome to your death? You are giving clues to your foe instead of killing them right away. Pero alam kong there playing mind games on us, the coincidence is too surreal para sabihing nagkataon lang ang pagpatay kanina. *** Lahat sila ay napatingin sakin, waiting for my story to tell. Tumaas lang ang kilay ko bago umayos ng upo. “May nakita akong anino banda sa gawing iyon, I followed and checked whoever it is. And then, doon ko siya nakita na may tama sa tagiliran. He collapsed kaya dinaluhan ko siya agad. I wonder bakit meron siyang saksak sa tagiliran.” I tilted my head. Everyone is in silence. Trying to digest everything… “Iyon din ang gusto kong mapag usapan natin lalo na ung kanina na incident sa hallway at putol na katawan. I saw something like tattoo or kind of drawing sa bandang leeg ng biktima. Parang bulaklak na hindi ko ma explain, first time ko makakita ng ganoong tattoo. I tried to look sa internet but no luck, kaya nag drawing nalang ako malapit sa actual na nakita ko…” ipinakita samin ni Perlas ang mala engineer niyang drawing. Oh well, it is good. Hindi ko expected na marunong gumuhit si Perlas. “Medyo may pagkakahawig sa Lotus? Or hindi…” sagot ni Sapphire. I looked at her with the same questioning looked. “It’s different from Lotus, unang una hindi ganyan ang hugis noon. See?” itinapat ni Amethyst ang cellphone sa mga mukha namin para lang maipakita ang totoong picture ng Lotus flower. “Aside being far from a Lotus its meaning is different from what happen awhile ago. Lotus flower have the ability to rise from the mud bloom out of the darkness and radiate into the world.” Dugtong ni Ame. “Indeed.” Sang ayon ni Aquamarine. Sumasang ayon din ako sa sinabi ni Amethyst, gusto ko ding malaman kung ano ba ang ibig sabihin ng tattooing iyon. “I’ll try to look for this picture/drawing of yours Pearl Arah, you have an awesome talent sa drawing ha, your talent is useful.” Ngumisi si Perlas na parang baliw, tuwang tuwa sa papuri na sinabi ni Aquamarine. Wala namang kumontra doon dahil totoo namang maayos ang pagkaka guhit noon. “Try dig deeper Aquamarine, I had a bad feeling about this tattoo.” Napalingon kaming lahat kay Diamond na mariing naka tingin sa drawing ni Perlas. “I will, Kimberly.” At doon na ang naging hudyat para pare pareho na kaming pumasok sa aming mga silid. TO BE CONTINUED…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD