Mia’s POV
“Nakakainis ang lalaking iyon! Talagang sinusubukan ako,” reklamo ko kay Angel. Magkasama na naman kami ngayon sa isang resto malapit sa trial court. Nagkataon kasi na narito siya at may mahalaga rin akong inasikaso rito kaya naisipan naming mag-lunch ng sabay.
Busy siya sa pagkain habang ako, halos hindi makasubo dahil sa pagra-rant.
“Maghanap na lang siya ng ibang abogado!” dagdag ko pa.
“Kumain ka nga muna,” saway niya sa akin habang puno ang bibig ng pagkain. Nakakaloka. Ang lakas niyang kumain pero hindi pa rin halata na buntis siya. “Wala akong gana,” tugon ko saka tinusok ng tinidor ang kawawang steak.
“Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit ang init init ng ulo mo doon sa tao, may something ba kayo na hindi ko alam?”
“Wala ah!” mabilis kong tugon saka umiling-iling.
Buti hindi ako kinulit ng bruha, at bago pa man niya ako usisain ay tumayo na ako agad sa kinauupuan ko.
“punta muna ako sa washroom,” paalam ko sa kanya at tumango lamang siya.
Nagtungo ako sa restroom ng mga babae. I went inside the toilet and pee. Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng toilet at saglit na humarap sa wash area. Binuksan ko an gripo at naghugas ng kamay, pagkatapos ay kinuha ang beauty pouch ko at nag retouch ng make-up.
I was so busy beautifying myself, so I did not mind the sound of footsteps that came inside the rest room.
“Oh, Attorney Mia,” ani ng bagong dating. Tiningnan ko ang repleksiyon nito sa salamin at agad kong nakilala kung sino siya. That woman who is tall, slim and had a narrow prominent nose and small lips which looked like a british beauty.
“Valerie,” sambit ko sa pangalan niya saka ngumiti at humarap sa kanya.
She is Valerie Rivas, classmate namin dati sa law school. Naging close din kami noon, pero naging matinding karibal niya si Angel. Dahil mas matimbang anf kapatid ko ay naging kagalit ko rin siya. But when Angel and I had a dispute, bumalik kami sa pagiging magkakampi. “How are you?” pangungumusta ko sa kanya. Hindi naman nakakapagtaka na makikita ko siya rito dahil malapit lang ang resto na ito sa trial court.
“I’m fine!” tugon niya at tila naka arko ang kilay. “I am having a good time at Regional Trial Court,” dagdag pa niya. Tiningnan niya ako mula ulo hnggang paa na parang may bahid ng pang-iinsulto. “Ikaw? How is the business under the table?” tanong niya na ikinagulat ko. “A-ano bang pinupunto mo…”
She snorted before I could able to compose myself. “hindi mo alam? Napapabalita sa buong Law community ay sikreto mo?” humakbang siya palapit sa akin at binulungan ako sa tainga. “Nagpapabayad ka raw para ipatalo ang kaso?” nag-iba ang hilatsa ng mukha ko at biglang nawala ang ngiti ko. “Val, kung anuman ang—”
“Oh come on Mia!” pagpuputol niya sa sinasabi ko. “Stop being a two-faced b***h, tayo lang naman ang nandito ‘e!” hinawi niya ang buhok at naghalukipkip.
“Anong nangyayari dito? May problema ka sa kapatid ko?” bigla namang singit ng bagong dating na si Angel. Nabaling naman ang atensiyon ni Valerie sa kanya. “Oh, Angel imperial in the house!” nagtaas muli ito ng kilay at naghalukipkip. “Hindi ako na inform na magkabati na pala kayong magkapatid,” ani niya sabay napahalakhak.
“Ano nga ang problema mo ha?” singhal ulit ni Angel na may tonong galit na. nilapitan ko na si Angel at pinigilan dahil parang handa itong makipag away. “huwag mo nang patulan, halika na,” bulong ko.
“Hindi e! naghahanap ito ng away!” ayaw paawat ng bruha, handang makipaglaban.
“Bakit hindi mo itanong sa sister mong mapagpanggap?” pagkasabi niyang iyon ay tuluyan na siyang umalis ng restroom.
“Ano bang sinasabi niya?” tanong ni Angel sa akin.
Napabuntong-hininga ako. “Iyong natuklasan mo tungkol sa akin,” simpleng sagot ko lang sa kanya. Tahimik lang niya akong tinitigan na may itsura ng pag-aalala. “Kailangan mo itong harapin.”
***
“WHAT the heck!” nagising ako mula sa mahimbing kong tulong ng isang malutong na sampal na dumapo sa pisngi ko. Pagkamulat ko pa lang ng mga mata ay sinalubong na agad ako ni Mommy ng kaliwa’t kanan na sampal sa magkabila kong pisngi. “Tarantado ka! Paano mo nagawang dungisan ang pangalan ng Daddy mo!” hindi pa rin siya tumitigil sa pagsampal sa akin. “Ma, stop it! argh! Ano ba!” daing ko pero hindi pa rin siya maawat.
Palakas ng palakas ang bawat sampal at sabunot ni Mommy sa akin. Halos tumabingi na nga ang mukha ko, at ramdam ko ang napupuyos na galit niya. Para na niya akong binububog at wala akong ibang magawa kundi tanggapin ang bawat sakit na dulot ng galit niyang mga kamay. Halos tumilapon ako sa sahig at sa wakas ay tuluyan na ngang napagod si mommy. Humihingal siyang nakatingin sa akin ng matalim at tumatangis. Naghahabol din ako ng hininga at napapaiyak na rin. Alam ko na, marahil ay nakarating na sa kanya ang tungkol sa issue na kumakalat tungkol sa akin.
At ang issue na iyon ay katootohanan.
A truth that once in my life, I became a corrupt lawyer.
I used to defeat my cases in exchange for some amount of money. Especially if the case is not that easy to win. Yes, ginagawa ko iyon noon. Dahil iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako naging abogado, ang magkaroon ng sariling pera na hindi galing sa magulang ko. What would I do for my dignity? When all people say that I am just here in my position because of my parents. Yes, I did filthy things. Noong pinagpalit ko ang bar results namin ni Angel, doon nagsimula ang lahat. I had a retake and I actually passed, pero dahil nga may kakilala si Dad sa PRC, naging confidential ang information na iyon. I lived that kind of life with an ugly principle at never akong nabisto.
Pero nagbago ang lahat ng iyon simula nang makilala ko si Jaydee. My world turned upside down, hindi ko na inisip pa an pera. All I wanted is to let him be free. I was able to win his case kahit napakahirap, sa tulong na rin ni Angel na siyang minahal niya.
Patuloy kaming tumatangis ni mommy, kitang kita ko sa mukha niya ang frustrations na nararamdaman niya sa akin.
“Totoo ba lahat ng sinasabi nila tungkol sa’yo Mia?” pasigaw na tanong niya.
Mahinang tango lamang ang naging tugon ko sa kanya, at pagkatapos ay isang malakas na sampal muli ang iginawad ni mommy sa akin.
Napasubsob na ako sa sahig ng tuluyan at nang makabawi ako ay humarap akong muli sa kanya. “Noon iyon Ma.”
“Kahit kailan pa iyan! Hindi mawawala ang katotohanan na dinungisan mo ang reputasyon ng pamilya natin!” naghabol siyang muli ng hininga at saka muling nagsalita. “Hindi ka namin pinalaki para maging ganyan!”
Right at this moment, alam ko nang kahit anong gawing paliwag ko, titingnan pa rin ni mommy ang mali ko.
“Ganyan naman kayo eh, lahat na lang ng nakikita niyo sa akin puro mali. Pero never niyong na appreciate lahat ng tamang nagawa ko!” pagkasabi ko no’n ay tumayo ako at nagtungo sa closet ko. Pinagkukuha ko ang mga damit ko at isinilid ko sa maleta. “Ano? Lalayas ka? Sige! Tutal, matigas na iyang buto mo. Mabuti pa nga umalis ka na lang dito dahil wala kang utang na loob!”
Hindi ako umimik at patuloy sa pag-aalsabalutan. Tinungo ko ang pinto at tuluyang lumabas ng kwarto at iniwan si mommy.
Umiiyak pa rin ako habang nagmamaneho patungo sa dating condo unit ni Angel. Tinawagan ko siya at pinakiusapan kug pwede ba akong mag-stay doon pansamantala at pumayag naman ang huli. Maroon na kasi silang bahay ni Jaydee sa Mckinley.
Pagkarating ko doon ay naroon na si Angel at Jaydee. Nagkataon kasi na malapit lang sila sa area kaya nakapunta na agad sila doon. Kinailangan pa kasi nilang pumunta dahil naka fingerptint sensor ang lock ng unit na iyon at sila lang na mag-asawa ang may access no'n. “Walang pagkain sa ref. magpabook ka na lang sa food panda o grab,” sabi niya sa akin at pasimple lamang akong tumango.
Nahihiya akong tumingin sa kanilang dalawa ni Jaydee na kaharap kong nakaupo sa couch.
“Gusto mo bang pag-usapan?” tanong ni Angel. Napatingin ako kay Jaydee muli at bumalik naman kay Angel.
Nag-ikot muna ito ng mga mata bago nagsalita. “Sumunod ka sa akin sa kwarto.”lumakad na siya papunta roon at sumunod naman ako. Pagkarating namin sa kwarto niya naupo siya sa kama. Umupo naman ako sa upuan sa harap ng vanity mirror niya. Saglit kong tiningnan ang sarili kong repleksyion sa salamin at saka ko lang napansin na may pasa pala ako sa gilid ng bibig at hindi pantay ang mukha ko dahil sa sampal na ginawa ni mommy sa akin kanina.
“Alam mo bang labag sa rule 1.03 ng Code of Professional Responsibility ang ginawa mo? Pwede kang masuspinde Mia,” panimula niyang sabi sa mahinahon na pagsasalita.
“Alam ko na iyan! Pinag-aralan ko rin naman iyan, kailangan pang ipamukha?” tugon ko sa kanya saka nag-ikot ng mga mata.
Rule 1.03 of Code of Professional Responsibilty states that a lawyer shall not, for any corrupt motive or interest, encourage any suit or proceeding or any man’s cause.
“So anong plano mo?” tanong niya ulit.
“Wala,” tinatamad kong sagot saka tumayo at itinapon ang sarili sa kama.
“Anong wala? Hahayaan mo na lang mawala ang lisensiya mo? Ano magiging taga notaryo ka na lang ng dokumento?”
“So be it!” sagot ko saka tinakpan ng unan ang ulo ko.
“Nababliw ka na ba ha?” naiinis na tugon ni Angel. Naramdaman ko pang binato niya ako ng unan.
“Just leave me elone for now please,” pakiusap ko sa kanya saka ipinikit na lamang ang mga mata.