Mia’s POV Naguguluhan ako. Hindi ko masabi ang totoo kong nararamdaman. I don’t even have the guts to say I love him. Basta ang alam ko lang ay hindi ko kayang iwasan ang mga pagsalubong niya sa akin. Saya ang nararamdaman ko sa bawat haplos niya sa akin at pagyakap. No’ng gabing iyon na magkasama kami sa loob ng private ward ay ilang beses ding nagdampian ang aming mga labi. At ni minsan hindi ko tinutulan iyon. Ewan ko, nababaliw na nga yata ako. I admit that I am becoming fond of him now. Magkatabi kaming natutulog ngayon sa hospital bed. Dahil sa may kaliitan ito. Hindi maiwasang masiksik kami sa isa’t isa. Magkayakap kami ngayon at nakahilig ang ulo ko sa dibdib niya. Minsan nga ay dumadaing siya sa sakit na nararamdaman dala sugat na natamo niya galing sa box jelly fish. “Wait, m

