Mia’s POV “Maraming salamat ho Aling Besing,” sabi ko nang makabalik siya galing sa labas. Nangungulit kasi si Herson na palabasin ako, nagnatigas naman ako at si Aling Besing na lang ang humarap sa kanya para makipag-usap. “Ayos lang iyon,” tugon ni Aling Besing saka umupo sa tabi ko na nakaupo sa sala at hinawakan ako sa balikat. “Pero Mayang, huwag mo sanang hahayaang tumagal pa ang pagtatampuhan niyong dalawang mag-asawa. Hindi ko man alam kung gaano kalalim ang problema niyong dalawa, pero naniniwala ako na mas matibay pa rin ang pagmamahal para makayanang magpatawad—subukan niyo pa rin na pag-usapan.” Tumango lang ako sa mga tinuran ni Aling Besing kahit sa loob-loob ko ay gulong-gulo ako. Ewan ko ba, hindi ko alam. Basta naiinis ako sa sitwasyon namin ngayon. Kahapon kasi nang

