Mia’s POV Natuklasan namin ang isang footage sa may vicinity ng bar ni Herson. Ito ay sa may isang parte ng parking space kung saan ay pinaniniwalaan nilang hindi mahahagip ng CCTV camera. Mayroong isang itim na van kung saan may lumabas na isang babaeng buhat ng dalawang lalaki. “Karina, zoom it closer,” Herson commanded the AI. The monitor was zoomed closer to the footage at nakilala namin ang babaeng binubuhat palabas ng van. “Identifying…Ellena Dominguez,” sabi ng AI. “She was already lifeless when the two men carried her all the way to the fire exit. As you can see, she has a stab wound in her chest that caused her death.” Parehong nakakunot ang aming mga noo ni Herson ngayon dahil sa pagtataka. “Paano nangyari iyon? Hindi ba’t magkausap kayo bago nagkaroon ng blackout? Paano

