"Lord!" bungad ni Uno sa akin. Kararating lang nya galing sa isang mission. Sya ang inatasan ko pumunta sa digmaan para tugisin ang kampon ni Mr. Law. Isa rin syang malaking tinik sa aking lalamunan. Marami na rin syang nakuha sa kayamanan ko. Kaya hindi ko palampasin ang ginawa nya sa akin. Hindi pwede mabuhay ang isang tulad nya. Dapat sa taong ganyan katain ng buhay para magtanda sa kanyang ginawa. "Lord!" naubos ko ang tauhan ni Mr. Law. Ngunit sya hindi dahil nakatakas sya. Hinabol ko ngunit parang bula na bigla na lang ito nawala. Parang anino na bigla na lang nawala," pahayag nito sa akin. "Hayaan nyo, na balang araw magkikita rin kami ni Mr. Law. Marami pang utang ang taong yan sa akin. Kailangan nya mag bayad sa akin. Siguro sa ngayon nalaman nya na ako ang nag-utos na

