Kabanata 5

2200 Words
"Hija, wag mong pansinin si Lord ganun talaga yun," saad ng matanda sa akin. Kahit takot ako pinakalma ko ang sarili ko. Takot ako baka saktan na naman ako ng lalaking iyon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako nagsalita. Pakiramdam ko kasi kapag nakatingin sa akin si Harris kakain ako ng buhay. Siguro nga hindi ko pa sya lubusang kilala. Kung ano ang tunay na ugali ng lalaki iyon. Kung ganito ba talaga ang ugali nya noog bata pa sya. "Manang, tulungan na lang kita maglipig dyan," untag ko sa matanda." "Naku? Hija, wag na, baka ako naman pagagalintan ni Lord, alam mo naman sya, iba kung magalit at isa pa, hindi ka nya, gustong mapagod ka!" seryosong wika ng matanda sa akin. Naguguluhan ako sa sinabi ng matanda. Hindi nya alam kung paano ako nagdusa sa piling ng amo nitong lalaki." "Hija, magbabago rin ang lahat, wag kang susuko, alam ko malalampasan nyo, rin ang pagsubok sa inyong dalawa," malumanay na saad ng matanda sa akin. Tumango na lang ako sa matanda ayaw ko na magtalo kami dahil lang sa amo nito. Baka isumbong pa ako kay Harris. At maparusahan pa ako nito. "Sige, na bumalik, ka na sa kwarto mo, para makapag pahinga ka," untag nito sa akin. Kahit ayaw ko pa, pumasok sa kwarto wala akong magawa. Kundi, sumunod sa utos nito. "Sige po," sagot ko. Naglakad ako palabas ng kusina ngunit may narinig akong putukan mula sa labas. Mabilis ang t***k ng aking puso. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko tatakbo ba ako or mag tago. "Hija, ayos ka, lang?" mahinang boses ng matanda. "Ma-Manang," tanging sambit ko sa matanda. "Rex! tulungan mo, ako!" rinig kong sigaw ng matanda sa tauhan ni Harris. "Manang, tubig po," utos ko dito. Dahil unting-unti ako nanghihin. Kumaripas naman ng takbo ang matanda pagkasabi ko dito. "Ano! Nangyari dito!" seryosong boses na narinig ko mula sa harapan ko. "Lord! si ma'am, Bella po, bigla na lang nanghina," sumbong ng tauhan nito sa amo. "Sige, iwan mo, na kami," rinig kong sabi nito sa tauhan. "Masusunod lord," sabay talikod nito sa amin. Ramdam ko umangat ang katawan ko. "Wag! Kang mag-inarte hindi ka na bata!" seryosong sabi nito sa akin. Hindi na ako sumagot ayaw ko rin na magtalo pa kami. Baka bigla nya akong bitawan. Kawawa naman ang aking katawan kapag nagkataon. Nakarating kami sa kwarto ko. Dahan-dahan nya ako binaba sa kama. "Dito! ka, lang may kukunin ako," matipid na sabi nito sa akin. Tumango lang ako sa lalaking. Daig pang pasan ang mundo. Sino magkakagusto sa kanya kung daig pa nyang demonyo, sa taong kaharap nito. Gwapo sana pero ang sama naman ng ugali nito. Maya-maya bumukas ang pinto. Pumasok roon si Harris na may dalang pagkain. Ngunit ang kanyang mukha seryoso pa rin nakatingin sa akin. "Oh, kumain ka na, wag mo pang hintayin na magalit ako!" sabi nito sa akin sabay lapag ng tray sa harak ko. "Sa-Salamat," pautal na sabi ko dito. "Pagkatapos, mo dyan, magbihis ka, may lakad tayo." Ayaw ko sa lahat yung mabagal naintindihan mo ba?" saad nito sa akin sabay talikod nito. Ako naman nag-umpisa na ako kumain, para matapos ako. Saan kaya kami pupunta ng lalaking iyon. Nang matapos ako kumain agad ako nagtungo sa banyo. Upang maligo ayaw ko na maghintay ng matagal si Harris sa akin. 30 minuto natapos na rin ako. Agad ako nabihis ng damit. Ngunit biglang may kumatok mula sa labas ng kwarto ko. "Saglit lang," wika ko mula sa loob ng kwarto ko. "Ma'am, kanina pa po,kayo tinatawag ni lord," saad ng kasambahay sa akin. "Sige, pupunta na ako," tipid na sagot ko dito. Bawat hakbang ko sa hagdan nanginginig ang tuhod ko. "Mabuti, naman naisipan mo pa, bumaba!" seryosong turan nito sa akin. "Paumanhin, natagalan ako?" yukong sagot ko kay Harris. "Let's go, masyado na tayong late," at bakit? Ganyan ang suot mo," komento nito sa akin. "Hindi, ko kasi alam kung ano, ang susuotin ko," tungon ko kay Harris." Isang malamin na buntong hininga ang narinig ko mula kay Harris. Alam ko nagtimpi lang ito sa akin. "Let's go, " ang dami mong dahilan," sabay taas ng kilay nito tumingin sa akin. Sumunod ako sa likod nito. Alerto naman ang mga tauhan nito mula sa likod ko. Pagdating sa sasakyan tahimik ako umupo sa tabi nito. Para bang hindi ko sya nakasama sa sasakyan. Habang nasa daan kami nagsitinginan naman ang mga kasama ko. Hindi ko makuha kung ano ang ibig nilang sabihin sa bawat isa. Nang bigla may sumabog sa unahan namin. Napahawak ako sa aming ulo. Dahil muli na naman unatake ang aking takot. "Lord, iligtas mo kami mula sa mga taong gustong pumatay sa amin," mahina kong turan sa aking sarili. Dito na ba ako mamatay. Wag naman sana gusto ko pa mabuhay ng matagal. "Lord, may nakaharang sa dinadaanan natin," wika ng tauhan nito. "Pasabungin nyo? Wag kayo magtira ng buhay! Sa mga yan," galit na tungon nito sa mga tauhan. "Masusunod, Lord!" seryosong sabi ni Rex sa amo. Gusto kong magtago sa sulok ng sasakyan. "Wag! Kang aalis dito!" wika ni Harris sa akin. Isang tango lang binigay ko dito tanda na sumang-ayon ako sa sinabi nito sa akin. "Bang! Bang! Bang!" tunong ng baril ang narinig ko mula sa labas. "Lord, ikaw na po, bahala sa amin," gabayan mo po, kaming lahat!" muling sambit ko sa itaas. "Huli, ka?" boses ng isang lalaki. Nakamaskara ito kaya hindi ko ma mamukhaan kung sino ito. "Si-Sino, ka?" gulat na sabi ko sa lalaking kaharap ko. "Wow? Ang swerte ko, naman nakuha kita, hindi ako magtaka kung bakit ikaw ang babae ni Harris?!" Ang malas nya, nakuha kita sa kanya," seryosong sabi nito sa akin. "Wa-Wala, akong alam dyan?!" Isap pa, hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy mo?" sagot ko dito. Pinilit kong magpakatatag, kailangan ko makatakas dito lalo na isa pala itong kalaban ni Harris. Ngunit akmang hahawakan nya na ako. Sunod-sunod na putok ng baril narinig ko. Biglang natumba ang lalaki at naligo ito sa sariling dugo. Tumingin ako sa labas kung sino ang gumawa. Walang iba kundi, si Harris. Umuusok pa ang baril na gamit nito sa pagpatay sa kalaban. "Hinawakan, ka ba nya!" seryoso nitong sabi sa akin. "Hi-Hindi," mahina kong sagot. "Let's go?" Rex!" walang ka buhay-buhay na sabi nito sa mga tauhan nito. "Pagdating mo, sa bahay maligo ka?" gusto ko maalis ang dumi mo sa iyong katawan," untag nito sa akin. "Si-Sige," tipid na sagot ko kay Harris." Huminto ang sasakyan sa isang malaking hotel. Na mangha ako sa ganda nito. Siguro super yaman ang may-ari nito. May malawak rin silang hardin tulad ng nakita ko sa tv. May mga swimming pool rin sa gilid nito. "Lord, narito na tayo," hudyat ng tauhan nito. "Okay!" tipid na sagot nito sa lalaki. Unang bumaba si Rex, sumunod naman ang iba pa nitong kasama. Habang ako nanatili muna sa loob ng sasakyan. "Lord, ligtas na po, kayo sa lugar!" sabi ni Rex kay Harris. "Good! Wag nyong,hayaanan maunahan kayo ng kalaban. Bumukas ang pinto ng sasakyan. "Pwede, ka na, lumabas dyan," wika nito sa akin. Sumunod ako sa sinabi nito. Tumingin ako sa paligid may mga taong nagbulong-bulungan. Ngunit wala akong pakialam sa kanila. "Ayy? Ang gwapo, nya?" sabi ng isang babaeng naka tayo sa reception. Habang isa naman panay pag pa cute nito. Nailing na lang ako sa tinuran nila. Ka babae nilang tao hindi man lang sila nahiya sa turan nila. Sila na mismo nagpapansin sa lalaki." "Sir! Hinihintay na po, kayo?!" Ni Miss, Donna," magalang na sabi ng baklang saharapan namin. "Sige," sagot nito. "Sino, kaya si Anita," sa isip ko." Hay bakit ko ba yun iniisip, hindi ba wala akong pakialam sa lalaking ito kahit may babae pa man ito. Sabay hawi ko ng aking buhok. Hindi nagtagal nakarating kami sa tinutukoy nitong babae. Sexy at maganda ito. May mahaba rin itong legs. Siguro isa syang modelo o di kaya isa syang artista. "Hi, Honey?"sabay halik nito sa labi ng binata. Hindi man lang nahiya ang babae na may kasama ito. "Bakit? Ngayon, ka lang alam mo,ba ilang araw na kita hinanap hindi ka man lang nagpakita sa akin?" malanding sabi nito kay Harris. "Sorry, I'm busy," how are you, Anita," sabay ngiti nito sa babae. Ngayon ko lang nakita ngumiti si Harris. Ang gwapo pala nito kapag nakangiti. "Next, time lalabas, tayo," aya ng babae kay Harris. Nakatitig lang ako sa mga ito. Ang landi talaga ng lalaking ito. Kahit sino-sino ang babaeng lumapit sa kanya. Mahina kong bulong para hindi nila marinig. "Honey, sino? Ang babaeng yan," turo nito sa akin. "She, is may secretary," pagpakilala nito sa babae. Bigla tuloy napataas ang kilay ko sa sinabi ni Harris. Ang loko ginawa pa nya ako secretary nya,samantala asawa nya ako. Ano naman kaya plano ng isang ito. "Oh? Ganun ba,? Sana hindi mo na sya sinama para ma solo kita," saad nito kay Harris. "Honey, may kasunduan tayo, hindi ba?" untag ni Harris, sa babae. "Sir, pwede ba, ako gumamit muna ng banyo, naiihi lang kasi ako," saad ko sa dalawa. "Okay, Rex! samahan mo, si Bella," sabi nito kay Rex. "Ako, na hindi ko naman kailangan na mag kasama pa?" tanggi ko kay Harris. Ngunit isang masamang tingin lang binigay nito sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi sundin ito. Baka bumuga pa ng apoy dito sa kinaroroonan ko. Habang nasa daan kami tahimik lang kami ni Rex, walang sino man magsalita. "Dito ka, na lang Rex, hintayin mo na lang ako dito," utos ko sa lalaki. "Sige po, ma'am?" sagot nito sa akin. Pagpasok ko sa loob may mga babae nagsitilian. "Alam mo, ba? Nandito ngayon si Mr. Harris. Ang gwapo nya talaga," siguro naman pwede ko syang akitin," saad ng babaeng maikli ang buhok. Hindi ko na lang pinasinsin ang sinabi nila. Kung titignan parang may asawa't anak na sila pero kung umasta sila daig pa nilang dalaga. Paano kaya kapag nalaman nila na may asawa na ang lalaking pinag-uusapan nila. Hindi nagtagal agad rin ako lumabas ng banyo. Baka iba ang isipin ni Rex kung bakit ako matagal dito. "Tara Rex!" seryosong sabi ko sa tauhan ni Harris. Sumunod lang ito at walang imik mula sa likod ko. Pagdating ko sa kinaroroonan ni Harris naabutan ko pa sila naghalikan ng babae nito. Hindi man lang sila huminto kahit nasa harap nila ako. Mga walang hiya daig pa nilang hayop. "Ah, excuse me?" pukaw ko sa dalawa. "Ah? Isa kang malaking istorbo!" galit na sabi ng babae sa akin. "Sorry, ha? Sabihin ko lang kay sir na kung pwede mauna na ako umuwi," sagot ko sa babae. "Honey, bakit? mo, pa yan sinama," yan tuloy nasira ang araw ko?" malanding boses nito kay Harris. Bagay nga sila mukhang maharot rin ang babae. "Okay, honey," sagot ni Harris sa babae. Ako naman nakikinig sa usapan ng dalawa. Daig ko pa nanonood ng palabas sa tv. "Rex! Ihatid mo, na si Bella sa bahay," utos nito kay Rex. Masaya naman ako tumango sa lalaki. Dahil sa wakas walang epal sa buhay ko. Mas gusto mo pa mapag-isa kaysa kasama ko ito. Pakiramdam ko isa syang malaking bangungot sa panaginip ko. "Dito po, tayo ma'am," saad ni Rex sa akin. "Wag mo, na ako tawagin ma'am, pareho naman tayong tao, at isa pa, isa lang ang amo mo?" pagmamaktol ko sa lalaki. "Hindi po, maari ma'am, yun po ang bilin ni Lord!" tanggi nito. Bahala sya kung saan sya masaya. Paraho rin silang amo nito malamig pa sa yelo. "Rex! Gisingin mo na lang ako kapag nasa bahay na tayo inaantok na kasi ako?" walang buhay na sabi ko sa lalaki. "Masusunod po?" tipid na sagot nito. "Ma'am, gising na po?" saad nito sa akin. Agad naman ako nagising. Nandito na pala kami sa bahay. "Salamat," sagot ko dito. Pumasok ako sa loob ng bahay. Tahimik lang ito para tuloy kami sa bundok naka tira. "Hija, dumatin ka, na pala," untag ng matanda. May dala pa itong basket na may laman damit. "Opo, inaantok na po, kasi ako," mahalang na sabi ko sa matanda. "Dito ka, lang ipaghanda kita ng pagkain," sabay talikod nito. "Manang, busog po ako, gusto ko lang magpahinga?" tanggi ko sa matanda. "Sigurado ka?" sagot nito sa akin. "Opo?" ngiting sabi ko. "Nga pala, saan si Harris hindi ko kasi nakita na kasabay mo?" tanong nito sa akin. "Nauna na po, ako?" muli kong sabi sa matanda. "Ganun ba?" matipid na sagot nito. Agad ako pumasok sa kwarto ko. Pinalitan mo muna ang suot ko at nahiga sa kama. "Hindi, kaya magagalit sa akin si Harris, dahil iniwan ko sya kanina," bulong ko sa aking sarili. Pero pumayag naman sya na umalis ako. Hays para akong tanga dito. Kapag may nakakita sa akin akala nila baliw na ako. Mabuti pa matulog na lang ako. Ngunit kahit anong gawin ko hindi pa rin ako makatulog. Naka ilang inom na rin ako ng tubig ganun pa rin. Ano ba nangyari sa akin. "Bella," mahina kong turan. Kalaunan nakatulog narin ako. Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD